Karamihan sa atin nasubukan ng gamiting paulit-ulit o nire-refill ang mga plastic na bote na pinaglagyanan ng tubig, softdrinks, at kung ano-ano pang inumin. Alam naman natin na disposable ang mga lalagyanang ito, ngunit patuloy pa rin nating nire-reuse ang mga ito.
Ano nga ba talaga ang rason natin kung bakit natin inuulit gamitin ang mga ito? Dahil ba kaya madaling magkasya ito sa ref o madaling dalhin dahil mas magaan kumpara sa ibang lalagyanan. O siguro dahil ang mga ito ay madaling mabili, mura, at kahit mawala mo man o maiwan ang mga ito ay hindi ka manghihinayang.
Hindi masama kung irerecycle mo ito, ngunit kung irere-use mo ito upang gawing lalagyanan ng inumin ay maaaring makasama sa iyong kalusugan. Narito at alamin bakit!
1. Dahil gawa ito sa disposable plastic
Ang mga bottled drinking water ay talagang hindi dapat ginagamit ulit o nirereuse dahil ang mga ito ay gawa sa disposable plastic na mayroong polyethylene terephthalate (PET). Malalaman kung ang isang plastic na bote ay gawa sa PET kung mayroong nakalagay na number 1 sa ilalim ng plastic container. At huwag na dapat pang gamitin muli.
2. Maaaring ma-contaminate ng bakterya
Ang mga plastic bottle containers ay kadalasang mahirap linisin ang loob. Kaya ang paggamit nito ng paulit-ulit ay maaaring magdulot ng pamumuo ng mga bakterya sa loob. At kung nangyari ito, pwedeng macontaminate ang iniinom mong tubig at magdulot ng iba't ibang karamdaman gaya na lamang ng diarrhea.
3. Pwedeng magkaroon ng chemical leak
Dahil manipis lang ang plastic na ginamit sa mga ito ay maaaring magkaroon ng pagle-leak ng mga kemikal sa paulit-ulit ng paggamit. At kung nainom mo ang mga kemikal na ito ay maaaring magdulot ng iba't ibang karamdaman na nakakasama sa iyong kalusugan.
4. Maaaring mabutas o masira ito agad
Ang mga plastic bottles na ito ay hindi talaga para sa pangmatagalang gamitan. Pwedeng ang mga ito ay mabutas o masira ng kahit anong oras at magdulot lang ng perwisyo sa iyo. Pwede ring magkaroon ng gasgas sa loob na maaaring pagmulan ng bakterya.
Paalala: Mas makakabuti kung gumamit ng lamang ng mga hindi disposable na lalagyanan ng inumin gaya ng mga glass bottles o gawa sa stainless steel.
Comments
Post a Comment