Hindi ba't tunay na nakakabilib ang mga kwento ng mga estudyante na kahit hirap na hirap na sa buhay ay pinipilit pa rin na makatapagtapos sa pag-aaral. Yong sila pa ang gumagawa ng paraan para makatulong sa kanilang mga magulang upang matustusan lang ang kanilang pang araw-araw na gastusin.
Ganyan ang kwento ng iskolar na si Jogie Papillera na isang estudyante ng San Sebastian College sa Canlubang. Talagang sinikap niya na makapasa sa scholarship para makabawas sa tuition fee at makapagtapos sa kursong BS Accountancy.
Ayon sa kanyang valedictorian speech, ibinahagi niya kung paano ang naranasan niyang hirap noong nag-aaral pa lamang siya. Ikunwento niya na ang kanyang ama ay isang factory worker samantalang ang kanyang ina noon ay naglalako lamang ng mga meryenda gaya ng banana cue, kamote cue, karyoka, turon, lumpia, nilagang mais, mani, at bilu-bilo bago siyang nag OFW sa ibang bansa.
Noong bata siya ay naranasan ng kanyang pamilya ang magutom, walang pera at walang makain. At umabot sa puntong sinabi niya sa Diyos, "Lord! Kahit tatlong butil lang po ng kanin."
Sampung taong gulang siya noong nagsimula siyang tumulong na magtinda sa kanyang nanay. Kaya simula noong elementary, high school, at hanggang mag-college ay ginagawa niya itong sideline sa kanyang bakanteng oras.
Dala ang dalawang basket, backpack at isang litrong suka, ilalako niya ang kanyang mga paninda pagsapit ng alas tres ng hapon at magsisimulang maglibot upang makabenta. At kahit nanginginig na sa bigat at pagod ang kanyang mga braso at paa ay hindi niya ito iniinda.
Umabot sa punto na siya ay pinagtatawanan, kinukutya, kinakantyawan at lolokohin. Ngunit kahit ganon pa man ay iniiyak na lang niya ito at hindi pa rin tumitigil. Dahil kahit anong negatibo ang ginagawa ng iba sa kanya, basta ang importante ay nakakatulong siya sa kanyang pamilya at tama ang kanyang ginagawa.
Noon ay nangangarap lang daw siya na makapagtapos ng pag-aaral, pero ngayon hindi lang siya nakapagtapos kung hindi naging Cum Laude pa siya. Talaga namang nakaka-inspire ang kanyang kasipagan, pagtitiyaga, determinasyon sa sarili at para sa kanyang pamilya!
Source: kami
Comments
Post a Comment