Skip to main content

Hakbang Na Pwedeng Gawin Kung Ikaw Ay Laging Naiihi




Ang isang average na tao ay umiihi 6-7 beses sa isang araw. Ngunit kung ikaw ay nakakaranas ng laging pag-ihi, nahihirapang pigilan ito, at nagigising ka sa gitna ng gabi dahil naiihi ka ng madalas, maaaring ang iyong bladder ay overactive.

Ang overactive bladder  ay isang kondisyon na kung saan palagi mong nararamdamang naiihi ka. At minsan ang kondisyong ito ay nakakaabala na sa iyong pang-araw araw na gawain. Ang mga taong mayroong overactive bladder ay minsan ay nakakaranas na rin ng urge incontinence o ang hindi na makontrol ang kanilang pag-ihi.


Narito ang ilang natural na epektibong tips upang maiwasan ang overactive bladder o ang kadalasang pag-ihi:

1. Kontrolin ang pag-inom tubig

Importante na uminom ng 8-10 basong tubig araw araw upang mapanatiling hydrated ang iyong katawan. Ngunit ang sobrang pag-inom nito ay hindi rin maganda sa katawan dahil ang resulta ay madalas na pag-ihi. Upang maiwasan ang overactive bladder, bawasan ng 25% ang iyong fluid intake.

2. Umiwas sa mga inuming may kulay

Ang mga inuming ito partikular ay mga kape, tsaa, al^k, at mga softdrinks. Dahil ang mga ito ay nakakapagbigay lang ng stress sa iyong bladder na ang resulta ay madalas na pag-ihi.

3. Magbawas o kontrolin ang iyong timbang

Ang pagiging overweight o obese ay isa sa mga kadahilanan na nakakapagpalala ng pag-ihi ng madalas. Dahil ang taba sa iyong katawan ay nagdudulot ng pressure sa iyong bladder kaya madalas kang naiihi. 



4. Pag-iskedyul ng pag-ihi o bladder training

Ito ay isang karaniwang lunas sa may overactive bladder na hindi kinakailangan ng medikasyon. Sa paraang ito, gagawa ka ng set ng mga oras kung kelan ka iihi hindi kung kelan mo lang naramdaman. Makakatulong ito upang hindi ma-istress ang iyong bladder at makontrol ito.

5. Magkaroon ng pelvic floor exercises

Ang pageehersisyo ng iyong pelvic muscles ay nakakatulong upang palakasin ang iyong mga muscles na nagkokontrol ng iyong ihi. Isang halimbawa ni ay ang Kegel exercise na kung saan kikokontract mo ang iyong mga muscles sa daluyan ng ihi. Nakakatulong din ang ehersisyong ito upang hindi ka maihi ng basta-basta. 


Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-