Skip to main content

Iba Pang Gamit Ng Patatas Na Maaaring Hindi Mo Pa Nalalaman!



Ang patatas ay karaniwang isinasama sa mga lutuin gaya ng nilaga o di kaya naman ay ginagawang french fries o mashed potato. Alam naman natin na napakaraming pwedeng paggamitan ng patatas lalo na bilang pagkain dahil hindi lang ito masustansya, nakakabusog din ito agad. 

Ito ay sagana sa vitamin C, B6, at potassium. Ito rin ay fat, sodium, at cholesterol-free kaya pwedeng pwede mo itong kainin kung ikaw ay nagpapapayat. Pero bukod pa diyan, alam niyo ba na mayroon pa palang ibang bagay kung saan pwede mo itong pag-gamitan? 
Narito at alamin ninyo ang iba pang gamit ng patatas dahil baka makakatulong ito sa inyo!

1. Pantanggal ng mantsa sa tela

Kung namomroblema ka sa mantsa sa iyong damit, subukang tanggalin ito gamit ang patatas! Mag-gadgad ng hilaw na patatas at ilagay sa isang bowl na may tubig. Iwanang nakababad ng 10-15 minuto. Salain ang patatas sa tubig. Gumamit ng sponge upang tanggalin ang mantsa gamit ang potato water.  
2. Pantanggal ng mantsa sa balat

Maaari din itong pantanggal ng mantsa sa iyong balat. Kung ikaw ay humawak ng beets o  iba pang nangungulay na pagkain at namanstahan ang iyong kamay, maghiwa lang ng isang patatas at saka ipahid ito sa iyong namantsahang kamay. Pagkatapos ay hugasan. 
3. Pantanggal ng sunburn

Ang patatas ay mayroong cooling effect sa balat kaya naman mabisa itong gawing pampahid sa sunburn. Maaaring hatiin ang patatas o kaya naman ay gayatin upang makagawa ng paste. Ipahid ito sa nasunog o nasunburn na balat at iwanan sa loob ng 15 minuto bago hugasan. 
4. Lunas sa paso

Gaya ng sunburn, pwede rin itong panggamot sa mga minor burns o paso dahil sa cooling effect nito sa balat. Ngunit dapat ay kunin ang katas nito dahil ang direktang pagpahid ng hiniwang patatas ay hindi uubra. I-mash ang patatas upang makuha ang katas nito. Ipahid ito sa napasong bahagi at iwanan hanggang mawala ang sak!t ng pagkapaso.

5. Pantanggal sa kalawang

Minsan, kung ang mga kaldero o kawali natin ay kinakalawang na ay hindi na natin ginagamit. Pero alam niyo ba na pwede pang matanggal ang mga kalawang sa pamamagitan ng patatas? Hatiin lang ang patatas sa dalawa. Isawsaw ang patatas sa baking soda, asin, o dish detergent at ipampahid sa nangalawang na bagay upang matanggal ang kalawang.  Ulitin lang ang proseso. 
6. Panlinis sa mga silverware

Minsan ang ating mga silverware gaya ng kutsara at tinidor ay naging maitim at dumudumi sa katagalan. Ito ay natural, ngunit kung gusto mong ibalik ang kintab ng mga ito, gamitin lang ang pinagbabaran ng patatas!
  • Magbabad ng ilang pirasong patatas, kapag kumulo na ang tubig ay tanggalin ang mga ito
  • Ilagay ang mga nangitim na silverware sa pinakuluang tubig ng patatas sa loob ng 1 oras
  • Alisin ang mga silverware at ibrush ang mga ito
  • Hugasan, patuyuin, at punasan ng tuwalya o tissue
7. Pampaputi ng kili-kili

Hindi gaya ng ibang matatapang na bleaching agents, ang patatas ay mayroon mild acidic property na kaya ring magpaputi ng iyong kili-kili sa natural na paraan at hindi nagdudulot ng pagkairita ng balat. Ngunit nangangailangan lang ng mas mahabang panahon.
  • Hugasan ang patatas hiwaain o gayatin
  • Imasahe ang patatas sa kili-kili sa loob ng 3 minuto
  • Iwanan sa loob ng 30 minuto para maabsorb ang katas nito
  • Hugasan at dahan-dahang dampiin sa tuwalya




Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-