Skip to main content

Ito pala ang Benepisyo ng Philhealth Para kay Nanay at kay Baby







Ang Philhealth ay may mga benepisyo para sa kaligtasan ni nanay at ni baby. Layunin nito na mabigyan ng sapat na suporta upang mapanatiling healthy ang ina at kanyang anak. 

Kung ikaw ay nagpa-miyembro, maaaring ikaw ay makakatanggap nitong magandang benepisyo na bigay ng Philhealth. Narito at talakayin natin ang magandang hatid nito at kung paano nito makakatanggap.




1. Maternity Care Package

Ito ang mga serbisyong bago manganak, normal delivery at pagkatapos manganak at kabilang na rin ang mga follow-up check up sa loob ng 72 na oras at isang linggo matapos ang panganganak.

Ang Package na ito ay nagkakahalagang P6,500 pesos kapag ginamit ito sa mga accredited na ospital at P8,000 pesos naman kapag ginamit sa mga accredited na paanakan sa mga maternity clinic,infirmary o dispensary.

2. Normal Spontaneous Delivery Package

Nasasakop naman nito ang mga importanteng serbisyo sa mga normal at hindi delikadong panganganak at pati na rin ang pagkatapos manganak. Ito ay package na nagkakahalagang P5,000 para sa paggamit sa mga ospital at P6,500 naman kapag ginamit ito sa mga accredited na paanakan sa mga maternity clinic, infirmary o dispensary.

3. Komplikadong Panganganak

Sakop din nito ang mga iba pang paraan ng panganganak tulad ng Cesarean Section, komplikadong v*ginal delivery tulad ng panganganak ng suhi. Matatanggap ito kapag isinagawa sa mga accredited na ospital.

4. Newborn Care Package

Sakop din nito ang kalusugan ni baby at kaligtasan. Ang Package na ito ay kinabibilangan ng mga Test tulad ng Newborn Screening, Newborn Hearing at mga probisyon na esensyal na pangangalaga sa bagong silang na sanggol at ito ay may kabuuang halagang P1,750 pesos.

Paano ba makakatanggap nito?

Narito ang mga kailangang requirements para magkabenepisyo nito:

  • Kopya ng MDR o Member Data Record
  • Philhealth Claim Form 1
  • Official Receipt ng Philhealth contribution payment
  • Official Receipt ng Prenatal Care Payments (para sa normal delivery lang)
  • Magdala ng Philhealth card o ID, at iba pang ID kung ito ay kakailanganin para matiyak ang pagkatao.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-