
Ang itlog ay isang pagkaing punong puno ng nutrisyon dahil sa taglay nitong mga bitamina at mineral at sagana rin ito sa protina. Madami na ang mga artikulong nagsasabi tungkol sa benepisyo ng pagkain ng itlog sa ating kalusugan. Ngunit alam niyo ba na pwede rin pala itong gamitin bilang pampa-paganda?
Ang puti at pula ng itlog ay parehong pwedeng gamiting sa pagpapaganda. Narito at alamin kung papaano!
1. Nagpapaliit ng pores sa mukha
Maaaring gamitin ang egg white o puti ng itlog sa paggawa ng peel-off mask upang ma-improve ang kondisyon ng balat. Nakakatulong ito sa pag-eexfoliate ng balat upang matanggal ang mga d**d skin cells at ginagawang clear ang balat.
- Batihin ang puting parte ng itlog hanggang makabuo ng parang foam na texture
- Magpahid ng 1 o 2 coating sa iyong mukha
- Takpan ito ng maliliit na piraso ng tissue upang tumigas ang mask
- Hayaan itong matuyong mabuti
- I-peel ang mask at saka hugasan ang mukha
2. Nakakatulong iwasan ang pagkakaroon ng kulubot o saggy skin
Hindi ba't nakakatandang tignan ang pagkakaroon ng kulubot at saggy na balat sa mukha? Upang maiwasan ito, gumamit ng egg white sa pagpapaganda. Dahil nakakatulong ito upang gawing firm ang iyong balat.
- Batihin ang 1-2 puti ng itlog
- I-apply ito sa iyong mukha, noo, leeg, at parte na kumukulubot
- Iwanan sa loob ng 20 minuto bago hugasan
- Gawing 1 beses sa isang linggo
3. Pampakinis ng mukha at pantanggal tighiyawat
Ang pagkakaroon ng oily skin ay nagdudulot ng mga tighiyawat at acne sa mukha. Makakatulong ang paggamit ng egg white facial mask upang ma-absorb ang sobrang oil sa iyong mukha at pinapaliit ang iyong mga pores.
4. Pampaganda ng buhok
Dahil sagana sa protina at fats ang pula ng itlog, mabisa itong natural na conditioner para sa buhok upang mabawasan ang pagkabuhaghag. Nakakatulong din itong alisin ang mga bakterya at sobrang paglalangis ng iyong anit.
- Batihin ang ilang itlog depende sa haba ng iyong buhok
- Magdagdag ng 1-2 kutsaritang olive oil at ihalong mabuti
- Ipahid sa iyong buhok at anit
- Iwanan sa loob ng 30 minuto
- Hugasan ang buhok gamit ang shampoo
- Gawin 1 beses sa isang linggo
5. Pampatanggal ng eyebags o itim sa ilalim ng mata
Kung nababahala ka sa iyong eyebags, makakatulong ang egg whites na ibalik ang dating sigla ng balat dahil isa itong natural astringent.
- Kunin ang puti lang ng itlog at saka batihing mabuti
- Mag-apply ng manipis na coating sa ilalim ng iyong mga mata
- Iwanan sa loob ng 10 minuto bago hugasan ng tubig
- Gawin lamang ito 1 beses sa isang araw
Comments
Post a Comment