
Alam mo ba na may mga bagay na hindi dapat ginagawa bago matulog sa gabi? Ang iba sa mga bagay nito ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa ating kalusugan o maaring makasama ito sa ating pagtulog.
Narito ang limang bagay na madalas nating ginagawa na kailangan na nating iwasan bago matulog:
1. Huwag uminom ng maraming tubig bago matulog
Ang pag inom ng tubig bago matulog ay maaring makasira sa oras ng ating pagtulog. Mapuputol ang ating sleeping pattern dahil maiihi kayo sa kalagitnaan ng inyong tulog. Ang pag-ihi sa gabi ay kadalasan isang dahilan ng hirap sa pag bangon sa umaga dahil sa paputol putol na tulog.
2. Iwasan ang pag ehersisyo bago matulog
Importante ang pag eehersisyo, subalit kapag kayo ay nag ehersisyo o intense workout bago matulog, mahihirapan ang inyong katawan na makatulog dahil pinapabilis nito ang inyong heart rate at energy levels. Mas magandang tapusin ang workout ng tatlong oras bago matulog.
3. Tigilan ang pag-kain ng mga fatty foods
Pwede kang mag midnight snack sa gabi, pero limitahan ang pagkain ng maaanghang o oily na pagkain dahil ito ay mahirap matunaw sa ating tiyan at maaring magdulot ng pananak!t ng tiyan sa gabi.
4. Bawal ang pagtutok sa screen ng inyong gadgets o Tv
Karamihan sa atin ay ugali na ang paggamit ng gadgets habang nakahiga bago matulog. Alam niyo ba na ito ang pinaka unang dahilan ng pagkalabo ng mata, pags^kit ng ulo at radiation. Ang blue light sa inyong mga gadget ay nakakaapekto sa ating utak at nakakapagpabagal sa ating katawan na makapag unwind at relax tuwing gabi. Kung mapapansin niyo hirap kayo sa pag gising sa umaga dahil nakatutok kayo sa gadgets bago matulog.
5. Iwasan ang pagkain ng marami bago matulog
Ang pagkain ng madami bago matulog ay maaring makapagdagdag sa ating timbang. Kapag kayo ay kumain ng madami bago matulog, hindi nito kayang tunawin ng inyong tiyan. Pwede rin magdulot ng gastr0es0phageal reflex dis**se(GERD), heartburn, at iba pang sintomas.
Comments
Post a Comment