Ang pagpapakain sa mga bata ay masarap na gawain at magandang bonding na rin ng magulang sa mga anak. Ngunit kung minsan ay may takot na nararamdaman ang mga magulang dahil sa posibilidad na magkaroon ng hindi magandang reaksyon sa katawan ang mga ibang pagkain na ipapakain sakanila.
Sa artikulong ito, aalamin natin kung ano ano nga ba ang mga pagkain na karaniwang nagkakaroon ng allergies ang mga bata. Narito ang mga sumusunod:
1. Mani
Ang mani ay may taglay na maraming magandang benepisyo sa ating katawan ngunit isa itong pangunahing pagkain sa pagkakaroon ng food allergy sa mga bata. Ang peanut allergy ay nangyayari kung ang iyong immune system ay napagkakamalan ang mga protina ng mani na nagdadala ng masamang epekto.
2. Shellfish
Ang shellfish na tulad ng hipon, tahong at iba pang mga uri nito ay isa rin sa mga kadalasang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng food allergy ng mga bata. Dahil ang iyong immune system ay nagkakaroon ng overreaction sa protina ng mga pagkaing ito.
3. Wheat
Isa rin ito sa mga pangunahing nagiging sanhi ng pagkakaroon ng food allergy ng mga bata. Ang wheat ay isang produkto na ginagawang pagkain gaya ng mga cereal. Nagkakaroon ng wheat allergy kung ang iyong katawan ay nagpapalabas ng antibodies dahil sa protina na matatagpuan sa wheat.
4. Soybean
Ito ay mayaman sa protina at iba pang mga magagandang benepisyong taglay ngunit kasama rin ito sa mga pangunahing nagiging sanhi ng food allergy ng mga bata. Marami pang klase ng mga buto na maaaring maging sanhi ng food allergy ng bata, kinakailangan na bantayan ang inyong mga anak lalo na sa mga toddlers.
5. Isda
Ang isda ay mayaman sa protina, bitamina at minerals ngunit kasama rin ito sa mga nagdudulot ng allergies. Kadalasan, ang pangangati pagkatapos nang pagkain nito ay ang isang sintomas ng food allergy.
Ano mang pagkain ay maaaring maging sanhi ng allergy, ngunit iilan lamang yan sa mga tinalakay na pangunahing nagiging sanhi ng pagkakaroon ng allergy ng mga bata pati na rin sa mga matatanda.
ANO ANG MGA PANGUNAHING SINTOMAS KUNG ANG BATA AY MAY ALLERGY:
Ang allergy ay ang overreaction ng ating katawan o ng immune system laban sa panganib na pagkain, bagay na nadampi o pumasok sa ating katawan na nagdudulot ng negatibong reaksyon na nagiging sanhi ng mga sintomas na.
• Panan@kit ng Tiyan at Pagtat@e
• Pag-ubo ng paulit-ulit at Pagsususka
• Pamamantal sa balat o pamumula
• Pagbahing ng paulit-ulit o pagsinghot na parang may sipon
• Hirap sa paghinga
Comments
Post a Comment