Bukod sa mga iba't ibang karakter na ginagampanan nila on-screen, ay hindi naman maikakaila ang pagmamahal ng mga celebrity dads na ito sa kani-kanilang mga pamilya.
Narito at kilalanin ang mga top celebrity dads sa showbiz na kahit may edad na ay hindi sila mukhang tumatanda!
1. Jestoni Alarcon
Ang 51 years old na actor/politician na si Jestoni Alarcon ay nagsimula sa showbiz sa 'That's Entertainment' noong taong 1986. Nagkaroon ng iba't ibang pelikulang pinagbidahan sa pelikula man o telebisyon. Ayon sa aktor, sa kanyang 33 taon sa showbiz, ay natutunan niya kung paano balansehin ang oras para sa trabaho at pamilya.
2. Aga Muhlach
Kilala si Aga Mulach bilang isang multi-award winning Filipino actor at product endorser. Noong taong 80's pala lang ay isa na siyang heartthrob dahil sa kanyang mestizo looks at kinahuhumalingan na smile. Isa rin siya sa mga top dramatic actors sa Pilipinas.
3. Richard Yap
Ang 51 years old na Chinese-Filipino actor/singer/model/businessman na si Richard Yap ay mas nakilala pa nang gumaganp siya bilang "Sir Chief" sa noontime drama show na Be Careful With My Heart na naging katambalan niya si Jodi Sta. Maria. Bukod sa pag-aartista ay nagmamay-ari rin siya ng iba't ibang food business. Siya ay may dalawang anak sa asawa niyang si Melody Yap.
4. Richard Gomez
Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isa sa mga tinaguriang pinakagwapong artista sa showbiz? Walang iba kung hindi ang actor/model/athlete/politician na si Richard Gomez. Hindi mahahalata sa kanyang mukha na nasa edad na 52 na siya dahil napakabata pa rin ng kanyang itsura. Siya ay mayroong isang anak na babae sa asawa niyang si Lucy Torres.
5. Zoren Legaspi
Sino rin ang mag-aakala na nasa late 40's na ang actor/director na si Zoren Legaspi. Kitang kita sa kanyang social media account at ng kanyang asawa na si Carmina Villaroel ang kanilang "#familygoals." At makikita rin na isang hobby niya ang pagbi-bike. Wika pa niya, "You want to feel young? Ride a bike."
6. Ian Veneracion
Nakilala si Ian bilang isang child actor noong 80's at naging parte ng That's Entertainment. Bukod sa husay sa pag-acting ay isa rin siyang equipment engineer, licensed private pilot, skydiver, paragliding pilot at scuba diver. Siguro ang sikreto na rin kung bakit nagmumukha pa rin siyang bata ay dahil sa hilig rin nito sa mga sports gaya ng trail riding, sailing, at motocross. Kaya naman hanggang ngayon ay kinahuhumalingan pa rin siya ng kanyang mga fans mapa bata man o matanda.
Comments
Post a Comment