Kalimitang hindi na lamang ito pinapansin, ngunit marami pa rin ang namomroblema kung paano ba talaga matanggal ang makating anit dahil sa balakubak. Minsan ay nagiging na itong health concern dahil maaaring nakakaba din ito ng kumpyansa sa sarili.
Minsan kahit ano-anong anti-dandruff shampoo na ang iyong ginamit ay hindi pa rin matanggal-tanggal ito. Ang eksaktong dahilan kung bakit nagkakaroon ng balakubak ay hindi pa rin matiyak. Ngunit pwedeng dahil sa poor hygiene, oily skin, dry skin, at pagkairritate ng iyong anit sa mga matatapang na produkto.
Narito ang mga natural na paraan na pwede mong subukan upang mawala ang iyong balakubak!
1. Baking Soda
Bukod sa kayang paputiin nito ang iyong ngipin, maaaring gamitin din ang baking soda upang matanggal ang iyong mga balakubak. Dahil kaya nitong puksain ang mga fungi na nagsasanhi ng makating anit.
- Basain ng tubig ang iyong buhok
- Imasahe ang baking soda sa anit na may balakubak
- Ngunit ang epekto nito ay magdr-dry ang iyong buhok kaya huwag gamitin araw-araw
2. Apple Cider Vinegar
Dahil sa antifungal at antibacterial properties ng apple cider vinegar, kaya rin nitong puksain ang makating balakubak.
- Maghalo ng isang kutsaritang apple cider vinegar sa isang tasang tubig
- Isalin ito sa lalagyan na mayroong spray
- I-ispray ito sa iyong ulo lalo na kung saan may balakubak
- Ibalot ang iyong ulo ng tuwalya at iwanan sa loob ng 15-30 minuto
- Banlawan ng mabuti
- Gawin lamang ito 1 beses sa isang linggo
3. Coconut oil at katas ng lemon
Mabisa ang coconut oil na pantanggal ng dandruff dahil kaya nitong i-moisturize ang panunuyo ng iyong anit. Samantalang ang katas ng lemon ay mayroong antibacterial at antifungal na kakayahan.
- Mag-init lamang ng 2 kutsaritang coconut oil
- Ihalo ito sa 2 kutsaritang katas ng lemon
- Imasage ito sa iyong anit
- Iwanan sa loob ng 20 minuto bago banlawan
Maaari ring ipahid ang coconut oil sa iyong anit upang kumalas ang nakadikit na balakubak. Gamit ang suyod, suyurin ang iyong buhok upang mahiwalay ang mga nalaglag na balakubak.
4. Tea Tree Oil
Mabisa rin ang paglalagay ng ilang patak ng tea tree oil sa iyong shampoo upang malunasan ang iyong balakubak. Dahil may kakayahan itong i-moisturize ang iyong balat at alisin ang pangangati.
- Maghalo ng ilang patak ng tea tree oil sa iyong shampoo
- Pwede rin itong ipatak diretso sa iyong anit at ikalat ng mabuti
- Hayaang nakababad ang anit sa loob ng 5 minuto
- Banlawan gamit ang mild shampoo
Comments
Post a Comment