Skip to main content

Mga Sikat Na Artista Na Mataba Pala Noon Ngunit Heto Na Sila Ngayon!

Ang pagiging mataba ay hindi maganda sa kalusugan. Ngunit hindi rin naman ibig sabihin nito na kung mataba ka ay hindi ka healthy. Mayroong iba't- ibang bagay kung bakit tumataba ang isang tao, minsan ito ay dahil sa kinakain, sa lifestyle, o dahil na rin ito ay namanana. 

Pati ang ating ibang local celebrities pala noon ay may karanasan na maging mataba noon. At hindi mo aakalain na ang mga artistang ito noong mas bata sila ay chubby pala sila. At ngayon dahil sa dami na rin ng mga paraan upang pumayat, kaya naman nila piniling manatiling slim at fit.

Kung sino-sino sila, narito at alamin ninyo!

1. Iza Calzado

Ayon kay Iza, naranasan niya noon na tuksuhin ng mga kaklase dahil sa kanyang katabaan noong bata siya. Umabot siya sa timbang na 220 pounds, kaya naman noong high school siya ay napagpasyahan niyang magpapayat. Ibinahagi niya na dumaan siya sa "starvation diet" kung saan nagcollapse pa siya sa school dahil hindi kumakain para pumayat lang siya. Ngunit hindi niya inirerekomenda ang diyetang ito.
2. Raymond Santiago

Kilala na si Raymond bilang isang child star noon na isang batang cute at chubby. Noong nag-magture na ito ay madali mong masasabi kung sino si Raymond sa kanyang kakambal na si Richard dahil nga mas mataba siya. Ayon sa kanya, isang araw naisip na lamang niya na ayaw na niyang maging mataba at gusto na niyang maging fit at healthy. Kaya naman dumaan ito sa matinding weight loss training at diet upang pumayat.
3. Rhian Ramos

Noong bata pa si Rhian ay dumaan din siya sa pagiging mataba dahil kahit busog na daw ito ay kain pa rin siya ng kain. Kaya noong 13 years old ito ay nagdesisyon na siyang magdiet at magpapayat.
4. Erwan Heusaff

Ang asawa ni Anne Curtis at chef ng palabas na "The Fat Kid Inside" na si Erwan Heusaff ay namroblema din sa kanyang pagiging overweight noong bata siya. Umabot siya sa timbang na 250 pounds noong siya ay 19 years old. Kaya naman nagpasya ito na magdiet at i-maintain ang ganitong figure.
5. Solenn Heusaff

Ang artista din na si Solenn at kapatid ni Erwan Heusaff ay dati ring chubby noong bata siya. Tinutukso rin siya noon na isang balyena dahil sa kanyang laki. Ngayon naman ay napaka-s3ksi na nito at naging inspirasyon pa sa mga gustong pagpapayat.
6. Georgina Wilson

Sino ang mag-aakala na ang "It Girl" at Asia's Next Top Model Judge na si Georgina Wilson ay minsan din naging mataba noong bata. Ayon sa kanya, walang shortcut sa pagpapayat. Kailangang kumain ng healthy at mag-work out ng madami. At kahit nanganak na siya ay naibalik pa rin niya ang kanyang slim figure.
7. Beauty Gonzales

Noong sumali si Beauty Gonzales sa reality tv show na Pinoy Big Brother ay mataba ang kanyang figure. Noong siya at naging 23 years old, ginulat niya ang kanyang mga fans sa kanyang naging transformation na sa pagiging mataba ay naging slim na ito. Bukod sa pagwowork-out ay sumailalim din ito sa liposuction.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…