Lahat ng babae ay dadaan sa stage na kung saan sila ay mawawalan ng buwanang dalaw o mas kilala bilang tinatawag na menopause. Ito ay nangyayari kapag ang iyong mga obaryo at huminto na sa paglalabas ng egg cell.
Ang karaniwang menopausal age ng isang babae ay 48-55 taong gulang. Ngunit mayroon din namang nakakaranas nito sa mas batang edad na 40 taong gulang na kung tawagin ay early menopause.
Ngunit ano nga ba ang mga kondisyon na maaaring magpabilis sa pagkakaranas ng maagang pagme-menopause. Narito at alamin ninyo!
1. Paninig4rilyo
Maging ikaw man ay isang active o passive smoker, ang paninig4rilyo ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng maagang menopause. Dahil sa epekto ng tobacc0 toxins sa ating reproductive system at sa fertility.
2. Paginom ng al4k
Kung ang isang babae ay mahilig uminom ng al4k, tumataas ang kanyang tyansang magkaroon ng early menopause. Dahil hindi siya nagkakaroon ng sapat na bitamina at protina sa katawan na maaaring magdulot ng nutritional deficiencies sa kanyang reproductive health. At sa kalaunan ay magdulot ng iregular na regla o ang tuluyang pagkawala nito.
3. Sobrang stress
Ang stress ay mayroon ding epekto sa iyong mga obaryo. Kung ang iyong katawan ay palaging na-iistress nagkakaroon ka ng hormonal changes sa katawan na sa katagalan ay maaaring magkaroon ng maaagang menopause. Maaaring iwasan ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng relaxation techniques.
4. Pagiging underweight o kulang sa timbang
Ang pagkakaroon ng eating disorder gaya ng anorexia o bulimia ay nakakapagpataas ng tyansang maranasan ang early menopause. Dahil ang estrogen ay nakatago sa mga fat tissues, ang isang babaeng underweight o kulang sa timbang ay mayroong mababang level ng estrogen, na sa kalaunan ay maranasan nito ang maaagang menopause.
5. Pagkakaroon ng autoimmune disease
Kung ikaw ay mayroong autoimmune disease gaya ng diabetes, psoriasis, thyroid disease, at rheumatoid arthritis pwede kang magmenopause ng maaga. Dahil ang iyong immune system ay inaatake ang iyong sariling katawan at tinatarget ang mga healthy cells at tissues.\
6. Chem0theraphy
Ang mga babaeng sumasailam sa chem0theraphy o radiation treatment ay may posibilidad na mag-menopause ng maaga. Dahil nagkakaroon ng damage sa iyong mga obaryo at pinahihinto ang produksyon ng estrogen sa katawan.
Comments
Post a Comment