Ans soya o soybeans ay isang maliit na halaman na karaniwang prinoproseso upang maging tokwa, toya, at taho. Ang mga ito ay mababa ang fat content at calories at sagana sa protina, fiber, at marami pang ibang mineral at bitaminana benepisyal sa katawan. Ginagamit din ang soya sa pang-gagamot ng iba't ibang kondisyon.
Ang soya o soybeans ay sagana sa nutrisyon na nakakatulong sa ating katawan upang i-improve ang metabolismo, maayos na pandagdag ng timbang, pinoprotektahan ang kalusugan ng puso, binabawasan ang epekto ng menopause at marami pang iba.
Nakakatulong din ito sa malusog pagbubuntis dahil mayroon itong mga bitamina gaya ng vitamin B complex at folic acid na kailangan ng isang babaeng nagdadalan-tao.
Narito ang ilang mga benepisyo na maaaring makuha sa soya:
1. Pinapabilis ang metabolismo ng katawan
Kung gusto mong magpapayat, ang pagkonsumo ng soya sa iyong diet ay benepisyal. Dahil ang mga ito ay sagana sa protina na kailangan ng iyong katawan para sa maaayos na metabolic function. Maganda rin itong pamalit sa mga pagkaing nagtataglay ng protina gaya ng karne, manok, itlog at isda.
2. Prebensyon sa heart attack at stroke
Ang pagkain ng soya ay nakakatulong upang pababain ang iyong cholesterol levels at ang fiber content nito ay mainam para sa pagbabawas ng absorpsyon ng cholesterol sa iyong katawan. At sa paraang ito, maiiwasan ang tyansang magkaroon ng altapresyon, atake sa puso at stroke.
3. Nakakatulong sa maaayos na pagtunaw ng pagkain
Nakakatulong maimprove ang iyong digestive system sa pamamagitan ng pagkonsumo ng soya dahil sa taglay nito fiber. Ang fiber ay nakakatulong upang iregulate ang proseso ng pagtunaw ng pagkain at ilabas ang mga toxins sa iyong katawan sa pamamagitan ng pagdumi. Nakakatulong din ito sa prebensyon ng constipation, diarrhea, at bloating.
4. Prebensyon ng oste0porosis
Sagana rin ang soya sa antioxidants na nakakatulong sa pagtaas ng bone density para sa pagkakaroon ng matibay na mga buto. Ang taglay din nito calcium, zinc, magnesium at copper at nakakatulong sa pangkalahatang kalusugan ng buto upang maiwasan ang oste0porosis.
5. Paglalagas ng buhok
Ang ating buhok ay kailangan ng protina upang mapanaliti itong matibay at makintab. Sinasabi na ang pagkain ng soya ay nakakatulong sa pagiwas ng pagkalagas ng buhok.
6. Pang-iwas sa implamasyon
Kung nakakaranas ka ng arthritis o rayuma, nakakatulong ang pagkonsumo ng soya dahil mayroon itong anti-inflammatory effect sa katawan.
7. Pinapalakas ang immunity o resistensya
Ang protina na taglay ng soya ay isang mineral na kailangan ng katawan upang magkaroon ng malakas na resistensya panlaban sa mga sak!t. Kaya ang pagkonsumo nito ay mabisa sa pagpapataas ng immunity sa iyong katawan.
8. Kagat ng ahas
Sinasabi na ang pagtapal ng pinitpit na dahon ng soya ay nakakatulong sa kagat ng ahas. Ngunit ito ay wala pang sapat na pag-aaral tungkol dito.

Comments
Post a Comment