Ang leg cramps o maaaari ring tawagin na nocturnal leg cramp ay ang pamumulikat ng mga binti o mga paa na karaniwang nangyayari kapag ikaw ay nakahiga na sa kama. Maaari ka nitong gisingin sa kalagitnaan ng gabi dahil sa kalimitang paggalaw ng ating katawan kapag natutulog.
Hindi lamang ikaw ang nakakaranas nito dahil nasa 60% ng mga matatanda ang nakakaranas nito tuwing gabi at halos lahat naman ng mga iyon ay nasa edad 50 pataas. Umaabot ang pamumulikat ng ilang segundo at minsan ay mga ilang minuto. Ngunit kapag minsan ay maaari pa itong manatili hanggang umaga.
DAHILAN NG PAGKAKAROON NG PULIKAT O LEG CRAMPS SA GABI:
Ang dahilan ng kadalasang pagkakaroon ng leg cramps ay hindi matukoy ngunit narito ang ilan sa posibleng dahilan at risk factors kung bakit ito nangyayari:
- Pagkakaupo ng matagal
- Maling posisyon ng pagkakaupo
- Labis na pag-inom ng al@k
- Matagal na pagkakatayo gamit ang mataas na takong ng sapatos
- Sobrang paggamit ng muscles sa paa
- Matagal na paglalakad
Mayroon ding mga kondisyong medical na maaaring magdulot nito tulad ng pagkakaroon ng:
- Diabetes
- Structural disorders tulad ng flat feet
- Pagbubuntis
- Parkinson's disease
- Neuromuscular disorders
- Kakulangan ng tubig sa katawan
LUNAS PARA SA NOCTURNAL LEG CRAMPS O PULIKAT SA GABI:
1. Ang paglapat ng lunas sa pagkakaroon ng leg cramps ay nagde-depende sa dahilan ng pagkakaroon nito. Kung nakakaranas ka ng night leg cramps dahil sa dehydration ay uminom lamang ng maraming tubig sa umaga.
2. Dapat ding siguruhin na may tamang antas ng magnesium o potassium ang katawan dahil kung ito ay kulang maaaring isa rin itong dahilan ng pamumulikat ng kalamnan.
3. Maaari ring mag-unat muna ng binti at bago humiga at matulog.
4. Pwede mong itaas sa pader ang iyong mga binti pagkatapos ng araw upang hindi maipon ang dugo sa iyong binti at para maiwasan na rin ang pagkakaroong ng varicose veins.
5. Iwasan ang matataas na takong na sapatos. O kung maaaari ay magpalit ng flat shoes pagkatapos gumamit ng high heels.
6. Subukang maligo gamit ang maligamgam na tubig bago matulog at irelax ang katawan.
7. Pwede rin namang maglagay ng heating pad sa apektadong parte ng katawan upang marelax ang mga pagod na muscles.
ANO NGA BA ANG DAPAT GAWIN KAPAG NAGKAKAROON NG LEG CRAMPS?
Dahil ito ay nangyayari sa kalagitnaan ng gabi, possibleng walang ibang tutulong sa iyo. Kaya marapat na malaman mo ang iyong gagawin upang mapabuti ang iyong pakiramdam.
1. Unang dapat mong gawin ay paghiwalaying ang dalawang paa at unatin ito (tiyaking malapad ang kumot para maiunat ng mabuti ang paa) habang sinusubukang igalaw o iikot ang paa. Masahihin ang nananakit o apektadong parte sa paikot na galaw.
2. Dahan-dahan namang tumayo at maglakad lakad upang makatulong sa pagdaloy ng dugo dito.
3. Panatilihing diretso ang mga binti at huwag ibabaluktot upang magkaroon ng maaayos na blood flow sa iyong mga paa.
Comments
Post a Comment