Napakarami nang benepisyo ang pagiging isang senior citizen sa ating bansa. Tulad ng pagkakaroon ng bawas sa mga binabayaran na pagkain o pinamili, hindi na kailangan maghintay sa pila upang ikaw ay magbayad, pati narin sa kanilang pangkalusugan.
Dito sa ating bansa, inaprubahan ng dating Pangulong Aquino na ang lahat nang may edad na 60 taong gulang pataas ay sakop na sila ng PhilHealth. Ang PhilHealth ay makakatulong sa bawat Pilipino upang mabigyan ng sapat na healthcare services at benefits kung kinakailangan.
Maaari rin maging isang miyembro ng Philhealth ang isang senior citizen at magamit ang serbisyo at benepisyo nito para sa kalusugan.
Alamin ang limang magandang benepisyong pangkalusugan na matatanggap kung ikaw ay isang senior at naging miyembro ng PhilHealth:
1. Discount sa gamot
Isa ito sa pinakamahalagang benepisyo na maibibigay ng Philhealth sa bawat senior citizen. Habang tumatanda tayo, hindi natin maiiwasang magkaroon ng iba't-ibang klase ng karamdaman. kailangan natin uminom ng iba’t ibang gamot kaya naman napakalaking tulong ng bawas-presyo ng mga gamot para sa ating mga senior citizens.
2. Fixed case rate kapag nadala sa pribadong ospital ang pasyente
Ang fixed case rate ay ang halaga ng perang sasagutin ng PhilHealth sa gastusin ng pasyente sa isang pribadong ospital. Halimbawa, kapag naospital ang pasyente nang may pneumonia 1, hanggang 15,000PHP ang puwedeng sagutin ng PhilHealth. Kapag naman pneumonia 2, dahil isa itong malalang kaso, umaabot sa 32,000PHP ang maaaring bayaran ng PhilHealth.
3. No-billing policy para sa mga pasyente ng pampublikong ospital
Kapag ang mga senior citizens ay nagpunta sa PhilHealth accredited public hospitals, automatikong sagot na ng ospital ang kanilang mga bayarin. Wala na silang dagdag na babayaran. Kasama na rito ang gastusin sa gamot, pagkain, supplies, laboratory, X-ray, kwarto at bayad sa serbisyo ng mga doktor.
4. Ang Z benefit package
Nakapaloob dito na kapag ikaw ay may sak!t na type-z o malulubhang kondisyon na talaga namang napakamahal ang kailangan mong bayaran ay maaring magpatulong sa PhilHealth. Katulad na lamang ng s@kit sa puso, s@kit sa bato o iba pang s@kit na mahal ang pagpapagamot.
5. Benepisiyo ng out-patients
Kasama sa mga benepisyo sa outpatient ng PhilHealth ay mga operasyon, mga sesyon ng radiotherapy, mga sesyon ng hemodialysis, at mga blood transfusion ng outpatient. Ang mga ito ay madaling gamitin para sa mga senior citizen na mayroong problema sa bato at iba pa.
Ngunit bukod sa mga pamamaraang ito, maaari ring mapakinabangan ng mga matatanda ang prime care benefits na kilala rin bilang TSeKaP (Tamang Serbisyo para sa Kalusugan ng Pamilya). Kasama sa package ito ang mga benepisyong pangontra tulad ng konsultasyon, regular na BP measurements, pagpapayo sa pagbabago ng pamumuhay, pagpapayo sa pagtigil sa paninigar!lyo, at digital na pagsusuri sa rect@l.
Ang mga nangangailangan ng gamot para sa hika, talamak na gastroenteritis, impeksyon sa itaas na respiratory tract, mababang pneumonia, at impeksyon sa ihi ay maaaring tumanggap din ng tulong sa PhilHealth.
Comments
Post a Comment