
Maitim ba ang singit, batok, o kili-kili mo? Isa sa mga problema ng mga kababaihan ang pagkakaroon ng maitim na mga singit. Kadalasan ito ang nagiging sanhi ng pagkawala ng kumpyansa sa kanilang sarili.
Ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon nito ay genetics o namamana. Subalit ang ilang dahilan din gaya ng pagkagasgas ng mga hita o kili-kili sa palagiang pagsusuot ng masisikip na damit, sobrang pagpapawis, o pagkakaipon ng mga d**d skin cells ang nagpapalala ng pangingitim.
Kaya heto ang mga natural na paraan na maaari mong subukan upang pumuti ang iyong singit, kili-kili, o batok:
1. Aloe Vera
Isa sa mga pinakasikat na pampaputi ang aloe vera. Makakatulong ito na paputiin ang mga singit sa katawan at burahin ang mga dark spots sa iyong balat.
Paano gamitin:
- Kumuha ng buong dahon ng aloe vera.
- Hiwain at kunin ang gel nito.
- Direktang ipahid ang gel sa maitim na parte ng kayawan
- Hayaan sa balat ng 20 minuto.
- Banlawan pagkatapos. Gawin ito araw-araw.
2. Kalamansi
Ang kalamansi ay isang natural na astringent. Ito ay may vitamin C na tumutulong alisin ang mga d**d skin cells at paputiin ang balat. Ginagamit din ito sa pagpapaputi ng balat.
Paano gamitin:
- Hatiin sa dalawa ang kalamansi.
- Ipahid ang katas nito sa mga singit ng katawan o maitim na parte sa loob ng dalawang minuto.
- Hayaan sa loob ng 10 hanggang 15 minuto tapos ay banlawan.
- Maglagay ng moisturizer o lotion pagkatapos upang hindi magdry ang balat
3. Pipino
Hindi lang para sa eyebags ang pipino. Pwede rin nitong mapaputi ang nangingitim na balat. Ang vitamin A na matatagpuan dito ay nakakatulong sa pagkontrol sa sobrang produksyon ng melanin.
Paano gamitin:
- Pigain ang kaatas ng kalahating pipino at ipahid sa mga parteng maiitim
- Hayaan nito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto at saka banlawan
- Gawin ito dalawang beses kada araw
- Pwede ring ihalo ang dalawang kutsarang katas ng pipino at kalahating kutsara ng katas ng kalamansi at gawing pampahid.
4. Balat ng orange
Bago itapon ang pinagbalatan ng orange, pwede mo itong itago at gamiting pampaputi ng singit. Ang balat ng orange ay mas mayaman sa vitamin C kumpara sa laman at isa itong natural bleaching agent na tumutulong sa pagpapaputi.
Paano gamitin:
- Ibilad sa araw ang pinagbalatan na orange
- Kapag tuyo na dikdikin ito ng pinong-pino para maging pulbos
- Ipahid ito sa singit, kili-kili, o batok na maitim
- Gawin ilang beses sa isang linggo
5. Kamatis
Ang kamatis ay sagana sa lycopene, isang anti-oxidant na may kakayahang magpaputi at ayusin ang mga pinsala sa balat dulot ng sunburn.
Paano gamitin:
- Maghati ng kamatis
- Ipahid ito sa singit, kili-kili, o batok sa loob ng dalawang minuto.
- Hayaan ang katas nito sa nangingitim na balat.
- Pagkatapos ay banlawan sa malinis na tubig
Paalala: Ang mga natural na remedyong ito ay maaaring hindi agad umepekto dahil kailangan ng mga ito ang mas mahabang panahon upang makita ang mga resulta.
Comments
Post a Comment