Karamihan sa atin ay pinoproblema ang magpapayat, lalo na kung paano tanggalin ang bilbil sa tiyan! Ito na siguro ang pinakamahirap tanggalin na taba sa katawan dahil kakailanganin ng tamang diyeta, ehersisyo, at disiplina.
Talagang napaka challenging ang pagpapaliit ng tiyan, pero hindi ibig sabihin na impossible itong gawin. Kaya narito ang mga tips kung paano matanggal ang iyong bilbil sa tiyan!
1. Bawasan ang pagkain ng kanin
Talagang pangunahing dahilan ng pakakaroon ng bilbil ay ang pagkain ng kanin dahil malakas itong makapagpataba. Kung hindi mo man kayang iwasang kumain nito ay maaari mo itong bawasan.
2. Iwasan na ang pag-inom ng juice o softdrinks
Ang mga inumin gaya ng juice na may artificial flavoring at softdrinks ay mataas ang sugar content. At ang sugar o asukal ay napatunayan na pangunahing dahilan ng pagkataba at obesity. Kung gusto mong lumiit ang iyong tiyan, umiwas sa mga inuming ito at magtubig na lamang.
3. Umiwas na rin sa al^k
Ang madalas na pag-inom ng al^k ay nakakapagpalaki ng bilbil kaya't naman ito ay tinatawag na "be3r belly". Kaya kung desidido ka talagang magpapayat at maging flat ang iyong tiyan ay huwag nang uminom nito.
4. Bawasan ang pagkain ng maalat
Ang pagkain ng maalat ay nakakapagpanatili ng tubig sa iyong tiyan na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng bloated na tiyan. Kaya bawasan ang pagkain nito lalo na gaya ng mga chitchirya, instant noodles, at maaalat na pagkain.
5. Umiwas sa pagkain matatamis
Talagang napakarami mong isasakripisyong unhealthy na pagkain kung gusto mong mawala ang iyong bilbil sa tiyan. Ang pagkain ng mga matatamis ay talaga namang nakakapagpataba ng tiyan. At hindi rin ito maganda sa kalusugan dahil pwedeng magdulot ng diabetes at high blo0d sugar.
6. Iwasan ang palaging nakaupo
Kung ang trabaho mo ay palaging nakaupo buong maghapon. Siguraduhing tumayo at maglakad-lakad kada dalawang oras. Dahil ang hindi masyadong paggalaw ay nakakadagdag ng timbang at nakakapagpalaki ng bilbil sa tiyan.
7. Striktong ehersisyo
Kung gusto mo talagang pumayat agad, ang kailangan mo ay striktong ehersisyo. May mga specific exercises na dapat mong gawin upang maging flat ang iyong tiyan. Ang sit-ups, planking, at crunches ay nakakatulong upang matagtag ang bilbil sa tiyan.
Comments
Post a Comment