Ang high blood pressure o hypertension ay isang karaniwang kondisyon na numero unong nagdudulot ng heart d!sease at stroke dito sa Pilipinas at sa iba pang parte ng mundo.
Ang pagkakaroon nito ay nangangahulugang mataas ang pressure sa ugat na parte ng katawan partikular na sa iyong "arteries." Ang arteries ay ang ugat na nagdadala ng dugo galing sa puso at dinadala sa iba't-ibang bahagi ng katawan. Ang normal na blood pressure at 120/80. At kung ito ay nasa pagitan ng 120/80 at 139/89 ito ay tinatawag na "pre-hypertenstion." Samantalang ang presyon na umabot sa 140/90 ay kinokonsidera bilang high blood.
Ang mga sintomas at senyales ng high blood ay nagiiba-iba. Minsan ang mga ito ay walang ipinapakitang sintomas at napapagkamalan lang na dulot ng ibang karamdaman. Ngunit narito ang mga karaniwang sintomas na dapat mong malaman upang agad matukoy kung ito ay high blood:
- Matinding pananak!t ng ulo
- Pagkahilo
- Madaling pagkapagod
- Pagkalito
- Problema sa paningin
- Chest pain o paninikip ng dibdib
- Kahirapan sa paghinga
- Iregular na tibok ng puso
- Malakas na pagtibok ng pulso sa dibdib, batok, tenga
Kadalasan ang high blood pressure ay walang ipinapakitang sintomas, ngunit kung naranasan ang alin sa mga sintomas na ito ay huwag ng ipagsawalang bahala. Dahil maaaring ito ay magdulot ng iba't ibang komplikasyon gaya na lamang ng atake sa puso at stroke.
Narito naman ang ilang di karaniwang sintomas na maaaring naidulot din ng pagkakaroon ng mataas na presyon.
1. Blood spots sa mata
Ang blood spot o subconjunctival hemorrage ay ang paglitaw ng pamumula na parang namuong dugo sa mga mata. Maaaring ito ay karaniwan sa mga taong may diabetes o high blood. Mas mabuti kung magpasuri sa isang espesyalista sa mata kung bakit nagkakaroon at paano alisin ang mga ito.
2. Facial flushing o pamumula sa mukha
Ito ay nangyayari kung saan ang mga ugat sa mukha ay dilated. Nararanasan ito dahil sa mataas na temperatura sa loob ng katawan na nakakapagpataas din ng iyong presyon. Ngunit ang pagkakaroon nito minsan ay hindi ibig sabihin na ikaw ay laging mag mataas na presyon.
Comments
Post a Comment