Isa sa mga nakakapagpadagdag ng self confidence ay ang pagkakaroon ng magandang ngiti at kumpleto't malinis na ngipin. Ngunit hindi lahat ng tao ay hindi nabiyayaan nito, at minsan na rin dahil sa ating mga iniinom, kinakain at iba pa kaya ang ating mga ngipin ay nagiging manilaw-nilaw.
Dahilan ng pagdilaw ng mga ngipin:
- Sobrang paginom ng kape o tsaa
- Paninig4rilyo
- Pagnipis ng tooth enamel habang tumatanda
- Poor diet
- Panunuyo ng bibig
- Sobrang paggamit ng antibiotic
- Sobrang fluoride sa tubig
- Namamana
Akala ng karamihan na ang pagpapaputi ng ngipin ay nangangailanan ng malaking budget, ngunit mayroon din palang mga natural na paraan at home remedies upang mapaputi ito. Ngunit siyempre, kinakailangan lang ng mas mahabang panahon at pasensya. Narito at alamin niyo!
1. Balat ng orange
Kung gusto mo nang murang pampaputi ng ngipin, subukan ang balat ng orange. Dahil sa acidic properties nito, mabisa itong bleaching agent. Nakakatulong din itong alisin ang mga naninilaw na mantsa sa ngipin. Ngunit ito ay nangangailangan ng mahabang panahon para umepekto.
- Ikaskas lang ang loob ng balat ng orange sa iyong ngipin
- Iwanan sa loob ng 2-3 minuto bago magmumog
- Gawin araw-araw
2. Apple Cider Vinegar
Bukod sa dami ng health benefits na naibibigay ng apple cider vinegar sa katawan, ay pwede rin itong gamitin bilang panlinis ng ngipin. Dahil may kakayahan itong alisin ang mga bakterya sa bibig at pangiwas sa pagbuo ng plaque at ibang oral problems. Ngunit hinay-hinay lang ang paggamit nito.
- Maghalo ng equal amount ng apple cider vinegar sa tubig
- Imumog ito sa iyong bibig na parang mouthwash
- Banlawan gamit ang tubig
- Gamiting 1-2 beses lang sa isang linggo
3. Baking Soda
Sa pagiging mildly abrasive nito ay nakakatulong upang tanggalin ang mga mantsa at tartar sa iyong ngipin. Kaya rin nitong i-neutralize ang mga acid sa iyong bibig na dulot ng mga bakterya na nagsasanhi ng plaque.
- Lagyan ng toothpaste ang iyong toothbrush
- I-dip ito sa baking soda at ibrush sa ngipin
- Magmumog
- Gawin 1-2 beses sa isang linggo
4. Hydrogen Peroxide
Ito ay mabisang natural na bleaching agent. Kaya nakakatulong din itong tanggalin ang mga bakterya sa bibig upang maiwasan ang bad breath. Mabisa rin ito sa pantanggal ng paninilaw sa ngipin.
Paalala: Ngunit hinay-hinay lang ang paggamit nito dahil pwedeng masira ang iyong tooth enamel kung palagiang ginamit.
- Maghalo ng 3% hydrogen peroxide sa tubig. Gawing mouthwash.
- Maghalo ng 2 kutsaritang hydrogen peroxide sa 1 kutsaritang baking soda.
- Ipang-toothbrush ito sa ngipin ng dahan dahan
- Gawin lamang 2 beses sa isang linggo
Comments
Post a Comment