Malaki ang pagbabago sa pagiging isang dalaga, ngunit mas malaki ang magiging responsibilidad kapag ikaw naging isang ina. Hindi mo ba alam kung paano ito sisimulan? Kung ano ang tamang gagawin? Tulad na lang ng pagpapatulog sa iyong baby. Hirap ka ba sa pagpapatulog rito? Naghahanap ng mabilisang solusyon kung paano ito mas mapapabilis na mapatulog? Dahil sa may mga kailangan ka pang gawin sa mga gawaing bahay, sa school kung ikaw ay nag-aaral pa, sa trabaho sa opisina o ang magpapahinga dahil kailangan mo na ring matulog.
Malaki ang responsibilidad ng pagiging isang ina dahil maraming trabaho ang dapat mong gampanan upang mapalaki mo ng tama ang iyong baby. Kadalasan, nagbabago bago ang mga oras ng pagtulog ng mga baby habang ito ay lumalaki. Kaya naman maraming mga ina ang hirap sa pagpapatulog sa mga ito.
Kaya’t narito ang mga tips kung paano mapapabilis na mapatulog ang iyong baby sa gabi:
1. Kargahin ang baby at itapat sa iyong puso
Ayon sa nakararami ay madaling mapapatulog ang isang sanggol kung ito ay nakatapat sa iyong puso. Dahil ito ay nakakaramdam ng payapa, kaligtasan at pagmamahal ng isang ina na siyang magiging sanhi ng kaniyang pagtulog. Kaya’t mabuting gawin ito at ikaw ay matutulungan pa sa iyong problema sa hirap na pagpapatulog.
2. Ihele o kantahan ng mahina
Ang pagkanta o humming ay nakakatulong para ito ay makatulog dahil sa malumanay na boses na siyang nagpapaantok sa isang sanggol. Maaari ring magpatugtog ng banayad na lakas ng mga lullaby na kanta upang magparelax at magpaantok sa sanggol.
3. Swaddling
Ang swaddling ay isang paraan kung saan binabalot ang baby gamit ang tela. Karamihan sa mga sanggol ay gusto ang nakabalot sa isang kumot o isang tela dahil sa tamang pakiramdam ng init gaya noong nasa sinapupunan pa sila. Ito ay makakatulong para sa mabilis na pagpapatulog at sabayan na rin ng pagtapik ng mahina sa sanggol.
4. Padedehin, Mapadighay at Imasahe ang tiyan at paa
Tiyakin na napadede ang sanggol para madali itong mapatulog dahil sa ito ay busog. Bago ito patulugin ay tiyakin na napadighay din para sa komportableng pakiramdam at upang hindi magsuka. Maaaring imasahe rin ang tiyan gamit ang langis para ito’y maglabas ng hangin sa tiyan upang hindi kabagin. Ang pagmasahe sa paa naman ay makakatutulong upang mapabilis din ang pagtulog ng sanggol dahil narerelax nito ang pakiramdam upang siya ay agad makatulog.
5. Iwasan ang kaingayan sa kwarto at katamtamang liwanag at dilim ng silid
Iwasan ang mga kaingayan sa kwarto na magiging sanhi ng pag-udlot sa pagtulog ng sanngol. Lagyan din ng katamtamang dilim ang silid upang hindi ito magising dahil sa pagkakasilaw sa liwanag.
Comments
Post a Comment