Naging uso na ngayon ang mga trabahong pang-gabi, night shift o graveyard shift kung tawagin. Kahit na mas malaki ang kinikita sa mga oras na ito, ay hindi naman ito nagdudulot ng magandang epekto sa katawan.
Ang pagbabago ng regular sleeping pattern o ang oras ng iyong pagtulog ay nagiging isang problema na kadalasang nararanasan ng mga taong nagtatrabaho ng late sa gabi. Mayroon rin itong dulot na health risk, at nakakaapekto rin sa aspetong social.
Kaya't narito ang mga tips kung paano mo mapapanatiling healthy ang iyong katawan kahit na ikaw ay nagtatrabaho ng late sa gabi:
1. Magkaroon ng mga short breaks
Kahit na ikaw ay nagtatrabaho ng regular hours (8am-5pm), nararapat lang na magkaroon ng mga short breaks upang maginhawan ang tensyon sa katawan. Kung ang iyong trabaho ay palagi kang naka-upo, subukang tumayo kada 15 minutes o maglakad-lakad ng konti upang marefresh din ang katawan at memorya.
2. Magkaroon ng oras para magehersisyo
Hindi ibig sabihin na dahil pang night shift ang iyong trabaho ay hindi ka na mag-eehersisyo. Mas lalo mo itong kailangan upang mapalakas ang iyong immune system laban sa stress. Maaaring magehersisyo bago o pagkatapos ng iyong shift kahit 30 minutes kada araw. Maaari itong walking, zumba, o paglalaro ng sports.
3. Magkaroon ng regular sleep pattern
Dahil sa gabi ka gising, baligtad rin ang oras ng iyong pagtulog. Kadalasan ito ang nagiging problema ng mga taong may night shift sa trabaho, ang nahihirapan silang matulog sa umaga dahil marami ang pwedeng maka-istorbo sa kanila.
Mag-set ng oras ng pagtulog sa umaga, siguraduhing matulog sa tahimik na kwarto at mayroong kakaunting liwanag upang hindi maantala ang pagpapahinga.
4. Bawasan ang pag-inom ng kape
Dahil sa kagustuhang mapanatiling gising ang katawan sa gabi, ang solusyon ng karamihan ay ang pag-inom ng kape. Ngunit ang sobrang pag-inom nito ay hindi maganda sa kalusugan. Dahil ang caffeine sa mga kape ay nakakaapekto sa pagtulog.
5. Umiwas sa mga hindi masustansyang pagkain
Kadalasan ang mga nagtatrabaho ng late ay napapabili na lamang sa mga fastfoods o convenience stores na bukas 24/7. At ang mga pagkaing nabibili dito ay hindi na masustanya. Upang maiwasan ang 'unhealthy snacking,' magbaon na lamang ng sarili. At matitiyak mo pa na healthy ang iyong kinakain.
6. Suriin kung mayroon kang vitamin D deficiency
Ang vitamin D ay ang bitaminang nakukuha mula sa sikat ng araw. Ipacheck kung mayroon kang vitamin D deficiency lalo na kung nararanasan ang mga sumusunod na sintomas:
- pagiging s4kitin
- madaling mapagod/ fatigue
- hindi agad gumagaling na sugat
- muscle, bone, at back pain
- hair loss
7. Magkaroon pa rin ng social life
Minsan mahirap magkaroon ng social life kung ikaw ay nagtatrabaho sa gabi dahil sa kaibahan ng iyong oras sa iyong pamilya o mga kaibigan. Ngunit ito ay importante sa pagpapanatili ng good mental health at healthy relationships. Maghanap ng oras para makapagbonding sa iyong pamilya o mga kaibigan.
Comments
Post a Comment