Skip to main content

Pitong Pagkain Na Dapat Hindi Mo Inilalagay Sa Freezer! Alamin Kung Bakit!

Akala ng karamihan na kapag inilagay sa freezer ang isang pagkain ay mas tatagal ang freshness nito. Ngunit ito ay hindi sa lahat ng pagkain ay mai-aapply mo ito. Dahil mayroong mga pagkain na kapag nailagay mo sila sa freezer ay nakakasama pala sa kalusugan.

Narito ang listahan ng mga pagkain na dapat mong iwasang ilagay sa iyong freezer!

1. Itlog

Hindi mabuti na ilagay sa inyong freezer ang mga na hindi luto dahil mag-eexpand ang mga ito at maaaring mabasag. Mapapansin din na ang puti ng itlog kung na-freeze ay magiging gummy ang texture.
2. Dairy Products

Ang mga dairy products gaya ng gatas ay hindi magandang ilagay sa loob ng freezer. Dahil kapag inilabas mo ito ay magtutubig at magbubuo buo ito. Maaaring ilagay na lang ito sa loob ng ref at huwag sa freezer. Ganoon rin sa mga cheese dahil mag-iiba ang texture nito.
3. Patatas

Kapag inilagay ang mga hilaw na patatas sa freezer ay magiging itim ang mga ito. Ilagay lamang ang mga ito sa dry at malamig na temperatura gaya ng loob ng ref at huwag sa freezer.
4. Carbonated drinks o mga nakadelatang inumin

Kung nakaugalian niyo ang paglalagay ng mga carbonated ng inumin gaya ng softdrinks sa loob ng freezer ay dapat niyo nang itigil. Dahil ang mga ito ay maaaring pumutok sa anumang oras.
5. Mga delata pagkain

Gaya ng mga carbonated drinks, dapat ay iwasan din na ilagay sa freezer ang mga delatang pagkain. Dahil ang likido sa loob ng mga ito ay maaaring mag-expand at magdulot ng pag-crack o pagputok ng lata. 
6. Gulay at prutas

Mainam na ilagay sa cool at dry place ang mga gulay at prutas upang mapanatili ang pagka-fresh ng mga ito. Ngunit iwasang ilagay sa freezer dahil magyeyelo ang mga ito. Lalo na ang mga gulay at prutas na mataas ang water content gaya ng labanos, pipino, pakwan, melon, at iba pa dahil kung dinefrost ang mga ito ay mawawala ang consistency at lasa. 
7. Mainit na pagkain

Huwag na huwag ilalagay agad sa inyong freezer ang mga pagkaing kakaluto pa lang at mainit pa. Dahil ang pagfe-freeze ng mainit na pagkain ay nakakakapagpataas ng temperatura sa inyong freezer at nareresulta sa pagbilis ng pagdami ng mga bakterya.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-