Hindi ibig sabihin na pumapayat ka ay kulang ka na sa nutrisyon. May mga simpleng senyales na pinapakita ng ating katawan na hindi natin alam ay kulang na pala tayo sa tamang nutrisyon.
Kailangan ng ating katawan ang tamang bitamina, mineral, at nutrisyon upang mapanatili itong malusog at malayo sa mga s4kit. . Ang akala mo na ang simpleng karamdaman lang ay pwede na palang isang sintomas ng pagkakaroon ng NUTRITIONAL DEFICIENY. Narito at alamin ang mga senyales na ipinapakita ng iyong katawan!
1. Pagkakaroong ng marupok na buhok at kuko
Minsan naiisip natin kaya nagpuputol-putol ang ating buhok ay dahil sa mga kemikal na ginagamit natin dito. Ang hindi natin alam na maaaring nagkukulangan ka sa protina kaya nagiging marupok ang mga hibla nito. Ang protina ay kailangan ng iyong mga kuko, buhok, balat at muscles upang maging matibay.
Kaya kung nagkukulangan ka nito ay maaaring mayroon kang protein deficiency. Maaaring makuha ang protein sa mga karne, beans, green peas, mushroom, at soya.
2. Acne, tighyawat, at skin rashes
Kung mahilig ka sa mga processed foods at al4k, hindi malayong makakaranas ka ng kakulangan sa zinc. Ang pagkakaroon ng deficiency nito ay nagdudulot ng problema sa iyong mga bituka at immune system. Kaya ang resulta ay pagkakaroon ng mga problema sa balat gaya ng pangangati, acne, at tighyawat.
3. Pagkakaroon ng premature aging, wrinkles, at dry skin
Kailangan ng iyong katawan ang mga essential fatty acids lalo na ang Omega 6 upang mapataniling malusog ang kondisyon ng iyong balat. Kung nagkukulangan ka nito, ang iyong balat ay magkakaroon ng premature aging gaya ng pangungulubot at dry skin. Maaari ring magdulot ng hair loss at dandruff.
Maaaring uminom ng mga fish oil supplements upang maiwasan ito. Ngunit ikonsulta muna ito sa iyong doktor.
4. Panghihina at madaling mapagod
Kung palagi mong nararanasan ang mga sintomas na ito, maaaring ikaw ay mayroong magnesium deficiency. Upang maiwasan ito kumain ng mga pagkain mayaman sa magnesium gaya ng saging, spinach, avocado, at tuna.
5. Pamumutla ng balat
Ikaw ba ay palaging nasasabihang maputla o anemic? Kung ganon ay maaaring kulang ka sa iron. Ang pagkakaroong ng iron deficiency ay nahahalata sa pamumutla ng balat. Kung kulang ka sa iron, bumababa ang iyong hemoglobin, ang siyang nagbibigay nang pulang kulay sa dugo.
Ang mga pagkaing dapat mong kainin kung ikaw ay may iron deficiency ay atay, pulang karne, broccoli, at spinach.
6. Pagdurugo ng mga gilagid
Kung ang iyong katawan ay nagkukulangan sa vitamin C, maaaring magdulot ito ng hindi madaling paghilom ng mga sugat o ang pagiging sensitibo ng iyong mga giladid kaya agad dumudugo. Kumain ng maraming gulay at prutas lalo na ang mga citrus fruits dahil siksik ito sa vitamin C.
7. Biglaang pagdagdag ng timbang
Ang mga taong nakakaranas ng biglaan pagdagdag ng timbang ay maaaring nakakaranas ng iodine deficiency. Ang iodine ay kailangan ng iyong thyroid upang makapagproduce ng hormones na nagcocontrol ng iyong metabolismo. Kaya kung kulang ka nito ay bumabagal ang iyong metabolismo at nagreresulta sa pagkadagdag ng timbang.
Comments
Post a Comment