Skip to main content

Previous Jobs Of These Filipino Celebrities Before They Became Famous!

Bago pa man sila tuluyang sumikat sa showbiz, mayroong mga artistang pinagdaan muna ang hirap ng buhay. Ilan sa kanila ay nakaranas muna ng mga napakahirap na trabaho bago pa sila tuluyang madiskubre at sumikat. 

At ngayon sila ay mag kanya-kanya ng malalaking pangalan sa industrya. Alamin kung sino-sino sila at ang mga kanilang dating trabaho. 

1. Fernando Poe Jr.

Isang napakalaking pangalan sa industrya ng showbiz si Fernando Poe Jr. dahil sa husay niya sa kanyang mga action movies kaya naman siya ang tinaguriang "Da King." Ngunit bago pa siya nakagawa ng kanyang sariling pelikula ay naging stuntman muna siya.
2. Dolphy

Bago pa makilala bilang "Comedy King" si Dolphy, noong bata siya ay nagtitinda lamang siya ng mani at butong pakwan sa mga sinehan. Siya rin ay nagtrabaho bilang shoe shine boy at taga lagay ng mga butones sa isang factory ng pantalon. 

3. Willie Revillame

Isa sa mga pinakamayamang artista sa industriya ng showbiz si Willie Revillame, ngunit hindi mo aakalain na matindi pala ang kanyang pinagdaanan noong bata pa siya. Dahil sa hirap ng buhay nila noon, kinailangan niyang magtinda ng dyaryo, maging barker at tagalinis ng mga jeep.
4. Manny Pacquiao

Bago pa naging isang propesyonal na boksingero at "People's Champ" si Manny ay naranasan muna kung gaano kahirap ang buhay noong bata pa siya. Nakapagtrabaho siya bilang sampaguita vendor, jeepney barker, at construction worker.
5. Richard Gomez

Aakalain niyo ba na bago pa madiskubre si Richard Gomez sa showbiz ay nagtrabaho muna siya bilang isang service crew sa isang fastfood chain noon.
6. Diether Ocampo

Isang bartender sa isang bar na malapit sa ABS-CBN si Diether noon bago siya madiskubre sa showbiz.
7. Coco Martin

Naging isang OFW sa Canada si Coco Martin noon bago pa siya nagsimulang mag-artista, kung saan naranasan niya ang trabaho bilang janitor at waiter.
8. Jericho Rosales

Isa rin si Jericho sa mga artista na nakaranas ng matinding hirap ng buhay noong bata pa lamang siya. Naranasan niyang tumulong magtinda ng isda sa palengke, maging service crew sa isang pizza parlor, at driver.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-