Skip to main content

Silipin ang Malaking Bahay ni Kris Bernal sa California, USA






Ang Kapuso actress at businesswoman na si Kris Bernal ay nakakamit na ng maraming tagumpay sa kanyang career simula noong pagkapanalo niya sa Season 4 ng reality-based talent search sa StarStruck ng GMA Network. 
Bago ang kanyang pagsali sa StarStruck noong 2006 ay nakilahok siya sa iba't ibang GMA shows tulad ng Boys Next Door, Zaido: Pulis Pangkalawakan, at Dyesebel. Mas hinangaan and kanilang love team ni Aljur Abrenica kaysa sa kanilang team up ni Mart Escudero.

Maliban sa kanyang bahay sa Makati, naging bunga ng kanyang pagiging matiyaga at hard work ang isa pa niyang bahay na ipinakita niya sa isang video. Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ng aktres ang ilang parte sa kanyang bagong biniling bahay at ng kanyang pamilya sa West Covina, California. Proud niyang sinabi sa kanyang caption ang mga salitang, “Hardwork pays off!” 

Ayon sa aktres ang kanyang bahay sa U.S. ay mayroong apat na bedrooms. Tila mukhang hindi pa rin siya makapaniwala sa sobrang saya niya. Sabi pa niya, “I still couldn’t believe that we already have our own home here in America.”
“Like, we can call it ours and it’s just so overwhelming. It’s pure hard work.” Dagdag pa ng aktres.
Sa kanyang recent post sa kanyang social media account na Instagram, masaya niyang ibinahagi ang kanilang reunion ng kanyang nakatatandang kapatid na babae na may caption na:
“Reunited with the eldest sis, [Katie Ann Bernal]. She took the leap of being away from us for almost two years! I love you more than the distance that separated us! And, I am proud of everything you have become here in California!  You’re finally following your dreams! Ginalingan eh! It is time to spread your wings, fly high sister.”
Sa ngayon masaya pa rin siyang nagsu-summer vacation sa California kasama ang kanyang pamilya. Kung titignan niyo ang kanyang mga Instagram posts, makikitang feel “at home” na siya sa ibang bansa.



Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…