Marami sa panahon ngayon ang mga batang ina at sa murang edad ay hindi alam kung anong gagawin at kung ano nga ba ang dapat na gawin bilang isang first time mom. Napakalaking responsibilidad ang pagiging isang ina dahil ito ay isang hamon sa buhay na kailangan mong maging matagumpay sa pagpapalaki ng bata.
Sa artikulong ito, ibabahagi namin sa inyo kung paano ang tamang pagpapaligo ng inyong bagong silang na sanggol. Natatakot o nahihirapan ka ba kung paano mo ito gagawin? Subukan mong sundin ang ilan sa mga paraan na ito upang maging matagumpay ka sa pagpapaligo ng iyong sanggol.
Narito ang ilang limang tips na makakatulong sayo:
1. Ihanda ang gamit at tubig na gagamitin
Sa unang paghahanda sa pagpapaligo sa isang sanggol ay kailangang gawin ang mga ito:
- Ihanda ang bath tub o palanggana at lagyan ng tubig na maligamgam ang timpla
- Ihanda ang sabon,bimpo at plastic cup na gamit ng sanggol
- Ilatag ang tuwalya o ano mang sapin na malambot, diaper at damit ng sanggol sa kwarto.
2. Dalhin ang iyong baby sa gagamiting paliguan
Pangalawa, buhatin si baby at idala kung saan nakahanda ang paliguan na gagamitin niya. Kapag naidala na si baby ay:
- Dahan-dahang hubaran ang sanggol
- Kapag natanggal na ang damit nito ay lagyan ng langis o asiyete ang kanyang likod, bumbunan, sikmura, paa at kamay
3. Ilagay sa bath tub o palanggana si baby
Kapag natanggal na ang mga damit ni baby ay maaari nang simulan na paliguan ito.
- Dahan-dahang ilagay sa bath tub o palanggana si baby habang una ang paa at nakaalalay o nakahawak pa ang iyong isang kamay kay baby para suportahan ang kaniyang leeg at ulo
- Gamit ang isang kamay, dahan-dahang buhusan ang kaniyang ulo at katawan
- Kunin ang sabon ni baby at ipahid sa bimpo
- Kapag nakuskos na ito, dahan-dahang ipahid ang bimpo mula sa ulo hanggang sa paa at sa likod at sa buong katawan ng baby
- Banlawan ang bimpo at dahan-dahang ipahid sa mukha ni baby
- Kumuha ng cotton buds at linisin ang ilong at tenga ni baby
4. Banlawan si baby
Matapos na sabunin ang sanggol ay banlawan na ito
- Gamit ang isang kamay ay buhusan ng dahan-dahan ang ulo at katawan ni baby
- Kailangan na mabanlawan ito ng mabuti at pagkatapos itong banlawan ng mabuti ay iangat siya sa bath tub o palanggana
- Gamit ang isang kamay ay alalayin ang leeg at ulo at ang isang kamay naman ay nakahawak sa bahagi ng kanyang pwet
5. Bihisan na ang sanggol
Kapag naiangat na ang sanggol sa bath tub o palanggana ay
- Ibalot na siya sa tuwalya o anu mang sapin na malambot at ipatong sa inihandang sapin ayon sa nabanggit at punasan ang buong katawan
- Lagyan ng asyete o langis ang ulo, bumbunan, sikmura, likod, paa at kamay
- Lagyan ng polbo sa leeg at likod ngunit kaonti lamang
- Lagyan ng lampin o diaper at bihisan ito
Comments
Post a Comment