Ang ating utak ay siyang nag poproseso sa lahat ng bagay na maaari nating gawin, maging ito man sa pagdedesisyon o pagsasagot. Kaya mainam na sabihin na mas mabuti kung nais sanayin ang utak, para mas humasa ito at tayo ay maging mas matalino.
Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nagkukulang sa talino at nahihirapan mag-isip dahil ang modern world ngayon ay ibinibigay na sa atin lahat dahil tayo ay 'na-spoonfeed' na sa lahat ng bagay.
Upang ma-enhance ang talino niyo at ng inyong mga anak, subukan ninyong gawin ang sampung bagay na ito para maging mas matalas ang isip:
1. Sumubok ng Bagong Karanasan
Tumutulong ang ating mga bagong nararanasan sa mga impormasyon na naikalap sa utak para ito ay maging neural pathway. Kaya mainam ang pagsubok ng iba't ibang karanasan o experience maging ito man ay sa pag sky dive, scuba diving o unang pag-akyat ng bundok dahil ito ay nakakatulong para magbigay ng bagong impormasyon at mahasa ang utak sa mga susunod na gagawin.
2. Pumunta sa mga ibang lugar
Ang pagpunta sa isang bahay at paglalakad sa bagong daan ay maganda para sa utak. Sa una maaaring nakalilito pa lamang ito ngunit pag tumagal na, ang utak ay sinusubukang mag-adjust sa lugar na iyon. Ito ay makakatulong para mahasa ang ating utak.
3. Pagkakaroon ng mabuting sistema ng edukasyon
Ito ang hindi naluluma kahit kalian man ito ang puhunan ng isang tao dahil hindi ito nababase sa akademiko o malikhain kundi ang patuloy na pagkakaroon ng mahusay na pananaw sa edukasyon.
4. Maki-bahagi sa mga balita
Ano mang oras araw man o gabi ng pakikinig, pagbabasa, o panonood ng balita ay isang paraan sa pagkakaroon ng regular na ehersisyo para sa utak. Ginagawa nitong aktibo ang utak habang humahagilap ng bagong impormasyon.
5.Bumasa ng mga libro
Nababanat ang kapasidad ng utak sa pagbabasa, nakakahagilap ng bagong bokabularyo, paggamit ng wastong gramatiko at nagkakaroon ng panibagong impormasyon. Hindi man ito nababase kung anong literatura, makatotohanan man o hindi at pambata ay na iuugnay ito para mahasa ang utak ng tao at maunawaan ang bagong impormasyon na nakalap.
6.Magandang pananaw sa iyong trabaho
Hindi mainam na ang trabaho ay nakakaboring at hindi makabuluhan. Magkakaroon ng oportunidad na mag-isip ng malalim dahil ang mga problema ay malalampasan din at may halaga ang pagtatrabaho mo para sa sarili at maging sa pamilya.
7. Hinahamon ang sarili
Mas mainam na araw arawin ang paghahamon sa sarili dahil dito nasusubok ang mga karanasan mo at kung hangang saan ang maabot mo. Sa lahat ng nalalampasan mong pagsubok ay lalong nahahasa ang iyong sarili para harapin ito ng may tapang at lakas ng loob.
8.Hinahasa ang utak
Ang paggamit ng mga laro at apps na makakatulong sa pang araw araw na paghasa ng utak ay mainam para maka-develop ang utak sa mga pagsasanay.
9. Tanungin sa sarili kapag nakapagtagpo ng problema
Lahat ng problema ay nalulutas isipin na lamang na ang pagtuklas sa isang ugat ng problema ay nakatutulong para mabawasan ang stress at pag-alala nang walang katapusan.
10. Huwag umasa sa Teknolohiya
Ang pagdedepende sa teknolohiya ay maaaring ikabagal ng pag-unlad ng atin utak. Mas mainam ang pagbabasa sa mga nakasanayan gaya ng pagbabasa ng libro at pagsusulat gamit ang papel at hindi ang teknolohiya.
Comments
Post a Comment