Skip to main content

2-Year-Old na Batang Lalaki, Walang Tigil ang Pag-iyak Dahil Iniwan Ito sa Loob ng Kotse ng Kanyang Magulang





Viral ngayon ang isang video na pinost sa isang social media account ng isang netizen na si Jasper Pascual ang pagiyak ng isang batang lalaki habang ito ay nakakulong sa loob ng kotse ng walang kasama.

Makikita sa video na ito ang umiiyak na bata na tila humihingi ng saklolo na nasa loob ng isang sasakyan. Ang sasakyan ay hindi nakasindi ang makina ngunit ang bata ay nasa loob at walang tigil na umiiyak. 

Ayon sa netizen na si Jasper, nakapark ang kanyang sasakyan sa isang parking lot sa Pasig at pasakay na sana ito sa kanyang kotse nang makarinig siya ng malakas na hiyaw at iyak ng bata na tila humihingi ng saklolo.




Hinanap ni Jasper kung saan nanggaling ang bata na umiiyak at gulat na gulat ito nang makita niya nasa loob ng isang sasakyan ang bata na pawis na pawis at tila humihingi ng tulong. Hindi nakasindi ang makina ng sasakyan at may kaunti lamang na awang sa bintana. 

Sa kaniyang tansiya ay nasa dalawang taong gulang lamang ang bata. Kaya naman humingi ito ng saklolo sa isang guwardiya para hanapin ang magulang ng bata. Ang guwardiya ay agad naman na rumesponde at nahanap ang magulang sa isang establishment habang sila ay nagiinuman. 



Naunang dumating ang ina ng bata at makalipas naman ng 10 minuto sumunod naman ang ama ng bata. 

Ayon sa netizen na kumuha ng video, ipinaubaya nalang niya sa gwardiya na pagsabihan ang magulang ng bata para makaiwas sa gulo.

Ang video na ito ay umani ng napakaraming reaction at komento. Marami ang nagalit sa mga magulang ng bata. May nag komento rin na isumbong sa DSWD upang mabigyan ng kaparusahan.





Marami nang pangyayaring naganap na rin katulad nito na naiiwan ang mga bata sa loob ng sasakyan na nagdudulot ng pagkasoffucate ng bata sa loob ng sasakyan na pwedeng maging peligro ng buhay ng bata dahil kulob at walang hangin ang malalanghap. Maging aware tayo sa mga ganitong pangyayari!





Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-