Ang sumusunod na pahayag ay makakatulong sa karadagang impormasyon para malaman ang mga katangian ng isang babae na sa tingin ng lalaki ay nakakaakit. Kaya kung may lalaki na nais mong mapahanga itong pahayag ay para sayo at makakatulong na baguhin ang dating nakasanayan na maling gawain.
Nais naman nating magkaroon ng mabuting imahe ng ating sarili lalong lalo na para tayo ay mapansin ng mga kalalakihan. Ano mang oras ang dumating palagi tayo dapat nasa mabuting ayos. Ngayong panahon napakarami ng kontrobersiyal ang nagyayari tungkol sa pagsasaayos ng ating sariling katawan.
1. Ang pagkakaroon ng maliit na baywang at malaking balakang
Nakakaakit ito para sa mga lalaki dahil ito ay nangangahulugan na ang baba na katawan ay slim at may pigura at mainam din ito sa babae para makapagdalang tao ito ng walang komplikasyon. Karamihan sa atin ay nahihirapan magkaroon ng maliit na waistline, subalit alam niyo ba na kahit kayo ay may chubby na katawan, ang ilang lalaki ay maaakit dito basta mayroon kayong sapat na confidence sa sarili.
Sinasabi nga nila na ang buhok ay tunay na nakagaganda sa isang itsura ng babae dahil dito lumalabas ang kanilang ayos. Ito ang “crowning glory” ng ating katawan. Kaya dapat ito ay inaalagaan ng mabuti at pinapanatili ang lusog ng buhok gaya na lamang ng pagkain at pag-inom ng mga bitamina para sa ikagaganda ng buhok. Panatilihin itong mahaba at magpagupit paminsan minsan upang magkaroon ng style at buhay ang inyong buhok.
3. Natural na Make-up
Nais na makita ng mga lalaki ang kanilang natural na ganda ng mga babae kaya mas mainam na tintignan nila ang babae na may mas kaunting kolorete sa mukha at dito sila namamangha. Maaari ka na maglagay lamang ng kilay, lipstick at powder upang lumabas ang iyong natural na ganda.
4. Ang nakakaakit na Ngiti
Dahil dito lumalabas ang pagkamasayahin ng isang tao at ang ganda na lamang niya kasali na rin dito ang paningin na positibo ang kanilang enerhiya na harapin ang araw. Nakaakit ang mga lalaki sa ngiti ng babae dahil nararamdaman nila na gusto nilang makabilang sa tao na masayahin at mainam ang pananaw.
Natural na ang pagaayos ng mga babae dahil mainam na ninanais nila na gusto nilang maging komportable sa kanilang itsura. Isa itong importante na katangian ng babae dahil naaakit ang mga lalaki kung ang mga babae ay laging presentable at maganda.
Comments
Post a Comment