Kung naghahanap ka ng pagkaing pampapayat ngunit agad ka namang mabubusog, ang saging na saba na ang kasagutan sa iyong katanungan. Marami ng pagsusuri na nagsasabi na ang pagkain nito ay nakapasustansya at nakakabuti sa ating katawan.
Dahil ang saging na saba ay nagtataglay ng kakaonting calories at siksik sa bitamina at mineral gaya ng Vitamin A, B, C, thiamine, calcium, phosphorus, potassium, protein, at iba pa. Narito at alamin ninyo ang iba pang magagandang benepisyong naidudulot nito sa ating katawan!
1. Para sa kalusugan ng puso
Ang saging ay nagbibigay ng energy sa ating katawan. Nagtataglay ito ng potassium na mahalaga para sa normal na pagtibok ng ating puso. Kapag maayos ang pagtibok ng ating puso, tayo’y nalalayo sa panganib ng altapresyon, str0ke at iba pang karamdaman o sak!t sa puso.
Mabuti ang saging na saba sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 nilagang saging na saba bawat araw.
2. Para sa tiyan
Napakaganda ng saging para sa mga taong may ulcer, nangangasim na sikmura, hyperacidity at gastroesophageal reflux dis**se (GERD). Ang saging ay may sariling antacid tinatawag ito na phospholid. May flavonoid din ang saging na tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.
Ito rin ay may component na leucocyanidin na tumutulong upang pakapalin ang lining ng stomach. Huwag mag-alaala ang mga may s4kit sa sikmura na baka mangasim kung kakain ng saging, dahil ang saging na saba ay makatutulong para mapabuti ang kalagayan ng tiyan.
3. Pangontra sa stress
Sa tuwing ikaw ay nai-istress, nalulungkot, at ninenerbiyos ay kumain ka lamang ng saging dahil ang pagkain ng saging ay gamot upang maging maayos ang iyong pakiramdam. Dahil sa mataas na component ng saging na tryptophan na kinoconvert ng katawan para maging serotonin (mood elevating brain neurotransmitter) napakakalma nito ang iyong mood.
4. Tumutulong upang maging regular ng pagdumi
5. Mataas ito sa mineral gaya ng copper, magnesium, at manganese
Ang saging saba ay nakakabuti para sa ating colon dahil nagtataglay ito ng fiber, na tumutulong pang maging regular ang ating pagdumi.
5. Mataas ito sa mineral gaya ng copper, magnesium, at manganese
Ang copper ay kailangan para sa produksyon ng red blood cells. Ang magnesium naman ay nagpapatibay ng ating mga buto. Mayroon din itong nagagawa upang proteksyunan ang puso. Ang manganese naman ay may bahaging ginagampanan sa paglikha ng anti-oxidant. Mahalaga rin ito para palakasin ang ating mga muscles.
6. Nagbibigay ng enerhiya at pagkabusog
Kung ikaw ay regular na nag-eehersisyo ang pagkain ng saging saba ay may malaking benepisyo upang hindi ka madaling manghina at upang manatili ang lakas ng iyong katawan. Epektibo rin itong kainin samga gustong magpapayat dahil mababa ito sa calories.
Comments
Post a Comment