Palagi ka bang nakaupo buong maghapon sa trabaho, sa bahay habang nanunood ng TV, o buong araw nakatutok sa iyong computer? Alam niyo ba na ang pagupo ng matagal na oras araw-araw ay may naidudulot palang negatibong epekto sa ating kalusugan?
Marahil hindi alam ng karamihan, ang maling postura ng pag-upo ay nagdudulot ng panghabang buhay na masamang epekto sa ating katawan. Narito at alamin kung bakit dapat magkaroon ng madalas na pagbebreak kung matagal kang nakaupo sa iyong trabaho!
1. Nagdudulot ng spinal sprain
Kung madalas na sumasakit ang iyong likod kapag matagal kang nakaupo, maaaring nagkaroon ng injury o sprain ang iyong spinal column. Nangyayari ito kapag madalas na mali ang iyong postura sa pag-upo gaya na lamang ng pagkakayuko habang nagcocomputer. Upang maiwasan ito, umupo ng diretso at sa tamang anggulo.
2. Pagkakaroon ng heart diseases
Ang pag-upo ng matagal buong maghapon ay tinatawag na sedentary lifestyle. Na kung saan nagiging limitado ang iyong pagkilos at nawawalan ng ehersisyo ang iyong katawan. Kaya naman ang iyong mga muscles at sirkulasyon ng dugo ay hihina. Ang pagkakaroon ng ganitong pamumuhay ay nagiging mataas ang tiyansang magkaroon ng cardiovascular diseases gaya ng s4kit sa puso at hypertension.
3. Paglitaw ng mga varicose veins
Ang mga taong nakaupo ng matagal ay maaaring magkaroon ng mababang sirkulasyon ng dugo sa kanilang katawan partikular sa kanilang mga binti na pwedeng magresulta sa pagkakaroon ng varicose veins. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagdekuwatro sa iyong mga hita ay isa ring dahilan ng pagkakaroon ng barikoso dahil naiipit ang ilang mga ugat sa iyong mga binti.
4. Pwede kang maging obese
Ang mga taong buong araw na nakahilata sa sofa habang nanunuod ng TV o ang mga nakaupo ng matagal habang nagcocomputer ay mas mataas ang tiyansang maging obese. Dahil ang pag-upo ng matagal buong araw ay nakakapagpabagal sa iyong metabolismo at kumokonti rin ang nasusunog na taba sa katawan.
5. Nakakapagpahina ng mga muscles at buto
Ang paghilata o pag-upo ng matagal samahan pa ng kawalan ng pisikal na activity ay ginagawang mahina ang iyong katawan dahil nagiging limitado ang paggalaw ng iyong mga buto at kalamnan. Sa katagalan, maaari rin itong magdulot ng osteoporosis o ang pagiging marupok ng iyong mga buto.
Comments
Post a Comment