Alam niyo ba na ang blood clot o pagbubuo ng dugo sa katawan ay maaaring mangyari sa iba't ibang parte ng ating body organ. Maaari itong mabuo kahit walang injury o trauma na nangyari sa atin. Napakadelikado ng pagbubuo ng dugo dahil nakakabara ito ng ating blood vessels at makakapagpapigil sa pag daloy ng dugo sa ating katawan.
Ang pagkakaroon ng blood clot ay posibleng maapektuhan ang ating arteries o veins. May iba't ibang sintomas ng pagbuo ng dugo o pag clot nito ngunit depende lamang ito location kung saan namuo ang dugo.
Narito ang Limang Blood clots na maaaring mangyari sa iba't ibang parte ng katawan. Alamin kung ano ang mga sintomas:
1. Blood clot sa ating legs or braso
Isang kondisyon ng pamumuo ng dugo na posibleng mangyari ay ang Deep Vein Thrombosis (DVT) kung saan nangyayari sa ibabang parteng katawan. Ito ay posibleng mangyari kung tayo ay matagal na naka bed rest o nakaupo ng matagal. Ito ay life threatening dahil pwede itong pumunta sa ating lungs o puso.
Sintomas:
-Namamaga ang ibabang parte ng katawan
-Namumula o nag kukulay asul ang affected limbs
-Kapag mayroong pananakit na hindi natatanggal
2. Blood Clot sa tiyan
Ang mga blood clot ay posibled din mag-develop sa ating veins papunta sa ating digestive system. May malaking tyansa na magkaroon ng pamumuo ng dugo kung mayroon kayong pancreatitis, appendicitis o kung umiinom kayo ng mga pills.
Sintomas:
- pagiging iritable at pagsusuka
- diarrhea
- pananakit ng tiyan na lumalala pagkatapos kumain
- dugo sa inyong dumi
- feeling bloated
3. Blood clot sa kidneys
Ang pagkakaroon ng blood clot sa kidney ay posibleng lumala at makapagpataas ng blood pressure sa tao. Huwag basta ipasawalang bahala ito dahil maaari itong magtungo sa kidney failure.
Sintomas:
- dugo sa ihi
- pananait sa may gilid ng tiyan, legs, hita, o lower back
- mataas na blood pressure
- hirap sa paghinga
- malalang pamamaga ng paa
4. Blood clot sa lungs
Ang blood clot sa lungs ay tinatawag na pulmonary embolism (PE) na delikado at kailangan ng immediate treatment at medical help. Ito ay makakapagpabara ng ating respiratory system at maaaring ikam^tay ng tao.
Sintomas:
- kakulangan sa pag hinga
- chest pain
- mabilis na tibok ng puso
- pag ubo ng may halong dugo at plema
5. Blood clot sa ating puso
Isa ito sa pinaka common na nangyayari sa mga matatanda. Ang blood clot sa puso ay posibleng magdulot ng heart attack.
Sintomas:
- pananakit na umaakyat sa leeg, jaw, left shoulder o left arm
- hirap sa paghinga
- madalas na pagpapawis
- madalas na pagkahilo o fainting
- paninikip ng dibdib
6. Blood clot sa utak
Stroke ang madalas na nangyayari sa mga nakakatanda dahil ito ay ang pagkakaroon ng buo-buong dugo na umakyat sa ating utak. Isa ito sa pinaka delikado at komplikadong blood clot na maaaring mangyari sa isang tao.
Sintomas:
- Pagkawala ng pakiramdam sa isang side ng katawan
- panghihina
- hirap sa pagsalita
- hirap sa pagtayo o paglalakad
Paano po b miwasan yun gnitung sentomas.slmt po s mga share t tips.isa aq ofw at mdls n nmumulikat yun paa ko pg madaling,minsan n mn of sumskit yun ulo yun ugat ko n mn s ulo lumki.thanks again.
ReplyDelete