Skip to main content

6 Celebrity Couples Na Nagkatuluyan Habang Magkasama Sa Trabaho Sa Showbiz!

Minsan, hindi talaga maiiwasan na magkamabutihan ang dalawang taong palaging magkasama lalo na sa trabaho. Dahil dito, ito ang nagiging daan upang matagpuan nila ang kanilang mga partners at nagiging kabiyak habang buhay. 

Siguro nga dahil sa araw-araw nilang nakakasama ang mga taong ito sa kanilang trabaho, ay mas lumalalim pa ang kanilang samahan. Narito ang mga Filipino celebrities na natagpuan ang kanilang mga forever habang nasa trabaho. 

1. Gladys Reyes at Christopher Roxas

Kung maaalala niyo ang teleserye at pelikulang Mara Clara noong taong 90's, si Gladys Reyes ang gumanap na kontrabidang si Clara at naging ka-loveteam si Christopher Roxas. Mula noon, sila ay nagkamabutihan at hindi na naghiwalay. At ngayon sila ay isa nang isang masayang pamilya na mayroong apat na anak.
2. Iya Villania at Drew Arellano

Noong taong 2004, naging magka-loveteam ang Arellano couple na sina Drew at kanyang asawa na si Iya sa isang youth-oriented show noon sa GMA na Click. Mula noon sila ay naging magkarelasyon sa loob ng sampung taon bago sila tuluyang nagpakasal at ngayon ay mayroon nang anak.
3. Melai Cantiveros at Jason Francisco

Taong 2009 nang nagsimulang magkasama ang dalawang housemates na sina Jason at Melai sa loob ng bahay ng Pinoy reality tv show na Pinoy Big Brother. Sa limang buwan nilang magkasama sa loob ng bahay ni Kuya ay nagkamabutihan ang dalawa at nahulog ang loob sa isa't isa. At sa paglabas nila sa PBB house ay naging controversial couple sila at tuluyan nang naging real life couple.
4. Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto

Unang nagkita sina Kristine at Oyo sa taping ng kauna-unahang pelikula na "Enteng Kabisote," na pinagbidahan ng kanyang ama na si Vic Sotto. Gumanap si Kristine bilang leading lady ni Vic noon, ngunit sa huli ang nagkatuluyan ay ang kanyang anak na si Oyo at si Kristine. 
5. Marian Rivera at DingDong Dantes

Nagkadevelopan sina Marian at Dingdong nang maging magkatambal sila sa soap opera na Marimar. At umusbong pa ang kanilang pag-iibigan nang magkasama pa sila sa iba't iba pang mga tv projects. Nagpakasal ang dalawa noong 2014 at ngayon ay mayroon ng isang anak.
6. Vic Sotto at Pauleen Luna

Hindi naging madali ang naging relasyon ni Vic Sotto at kayang co-host na si Pauleen Luna sa noontime show na Eat Bulaga sa mata ng publiko. Taong 2011 na sila ay napabalitang may relasyon ngunit pilit nila itong itinatanggi. Pagkatapos ng 2 taon ay inamin mismo Vic na mayroong namamagitan sa kanilang dalawa. Kahit malayo ang agwat ng kanilang edad ay hindi ito naging hadlang upang matagpuan ang forever sa isa't isa. Ngayon sila na ay mag-asawa at mayroon ng anak. 


Comments

Popular posts from this blog

Huwag Mag-iiwan ng Water Bottle sa Loob ng Sasakyan Dahil Ito ang Delikadong Maaaring Mangyari

Ang sarap nga naman bumili ng bottled water lalo na kung ito ay malamig at kung tayo ay uhaw na uhaw na. Karamihan sa atin tuwing bumabyahe ay kadalasang may dala-dala tayong mga water bottle. At karaniwan din nating nakakalimutan o iniiwan ang mga ito sa loob ng ating sasakyan kung saan ito ay umiinit kapag nakatutok ang araw sa sasakyan. Hindi lang masama sa ating kalusugan ang pag-inom nito kapag naiwan ito sa loob ng sasakyan kundi ito rin pala ay delikado para sa ating mga kotse.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwan ng water bottle sa loob ng sasakyan habang tirik na tirik ang araw ay maaaring magsanhi ng sunog dahil sa kemikal ng plastic bottle. Tulad nalang sa nangyaring insidente sa isang lalaki na ito.



Ayon sa lalaki habang nakaupo siya sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang niyang napansin na may umuusok mula sa harapang upuan. Sa paghahanap ng higit pang imbestigasyon ay napag-alaman na nanggagaling ito sa water bottle na nasisinagan ng araw at nagtamo ng dalawang butas sa kan…

Huwag Ninyong Ipagsabay ang Pagkain ng Instant Noodles at Softdrinks Dahil Ito ang Posibleng Mangyari sa Inyo!

Pamilyar ba kayo na kapag inilagay ninyo ang mentos candy sa isang bote ng coke ay nagkakaroon ng ito physical reaction kung saan ito ay maaaring magdulot ng eruption o ang pagsabog ng softdrinks sa loob ng bote nito?
Subalit alam niyo ba kung ano ang mangyayari kung kumain kayo ng instant noodles at uminom kayo ng softdrinks? 


Sa isang viral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, idinala ito sa emergency room matapos siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
Ito ay nakaramdam ng pananakit ng kanyang tyan at pananakit ng kanyang balikat, bewang at likod. Sinubukan i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan subalit hindi nila matukoy kung ano ang nagdulot nito. Binigyan ito ng mga gamot na pantanggal ng pananakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy parin ang kanyang nararamdaman.


Sumailalim ito sa Abdominal xray upang malaman ng mga doktor ang sanhi ng kanyang abdominal pain. At ang kanilang nakita ay punong-puno ng gas ang loob ng k…

8 Na Paraan Kung Paano Mo Mapapasaya Ang Iyong Asawa (Misis)!

Ayon nga sa isang kasabihan, "A happy wife means a happy life." Maraming paraan kung paano mo mapapanatiling masaya ang iyong asawa. Ang pagiging isang mabuting asawa ay isa mga bagay na magpapatatag sa inyong relasyon.
Mayroong mga simple at maliliit na bagay na pwede mong gawin upang mapanatili mong masaya si misis! Narito at alamin ninyo!
1. Pagsabi ng "i love you" o "mahal kita" ng madalas
Ang simpleng pagsabi ng 'i love you' ay isa ng malaking bagay ng pagpapakita kung gaano mo siya kamahal. Kaya sabihin ito ng madalas at buong puso.

2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space
May mga oras na kinakailangan ng mga babae na magkaroon ng "me time" o ang pagkakaroon ng oras para lang sa kanyang sarili. Bigyan siyang oras na makapunta sa salon, magpa-manicure, magpa-spa o magkaroon ng oras para sa ibang bagay para siya ay makapag-relax. 
3. Tumulong sa mga gawaing bahay
Matagal ng nakasanayan na ang mga babae ang siyang gumagawa ng…