Skip to main content

6 Na Rason Kung Bakit May Ibang Taong Nagloloko at Nangangaliwa Sa Kanilang Asawa!


Ang relasyon lalo na kung humantong na sa pagpapakasal ay nangangailangan ng madaming oras at sakripisyo upang maging successful. Ngunit sa kasamaang palad, nangyayari pa rin ang mga broken marriage dahil sa isang rason, ang pangangaliwa o pagkakaroon ng kabit.

Siguro nga ang pagkahulog sa tukso ang dahilan kung bakit nagloloko ang ilang mga asawa. Pero meron din ibang rason kung bakit nagkakaroon ng extra marital affairs ang iba. Narito at alamin kung ano ang mga ito!
1. Kawalan ng commitment

Karamihan sa mga lalaki, kahit gaano pa sila kalakas at matatag ay maghahanap pa rin sila ng taong magbibigay sa kanila ng suporta at palaging nandiyan sa kanilang tabi. Kaya ung hindi nila ito makita sa kanilang asawa ay nahahanap nila ito sa ibang tao. Ganoon din sa mga kababaihan, kailangan nila ng taong kaya silang panindigan at protektahan.

2. Pagkawala ng emotional satisfaction

Maaaring dahil sa tagal na ninyong magkasama ay naging kampante na lamang kayo sa isa't isa kaya nawala na ang spark at interest sa inyong relasyon. Kaya ang iba ay naghahanap ng ibang interest at nahahanap iyon sa iba.

3. Unfulfilled desires

Ito ay ang mga hindi nakakamit na pagnanais sa inyong relasyon. Halimbawa, kung hindi ka masatisfy ng iyong partner sa s3kswal na aspeto, maaaring hanapin niya ito sa iba at maging rason ng kanyang pangangaliwa.

4. Kawalan ng interest

Kung ang inyong relasyon ay naging isa ng routine o paulit ulit na lamang ang inyong ginagawa araw araw, maaari itong makasira sa inyong relasyon at mawala ang interest sa isa't isa. Gumawa ng mga bagay na pareho ninyong gustong gawin upang kayo ay makapagbonding.

5. Wala ng oras

Hindi masama ang ninanais mong maabot ang iyong mga career ambitions o pangarap. Ngunit kung nawawalan ka na ng oras para inyong relasyon at hindi ito nabibigyan ng atensyon, mawawalan talaga ng interest ang iyong partner.

6. Distansya sa bawat isa

Hindi namin sinasabi na ang 'long distance relationship' ay impossible. Ngunit minsan, ang pagiging magkalayo ng magkasintahan ang isa sa mga nagiging dahilan kung bakit naghahanap ng iba ang isang tao. Marahil may ibang bagay na hindi magampanan kaya hinahanap nila ito sa maling tao na malapit sa kanila. 

Iilan lamang ito sa mga possibleng rason ng pangangaliwa. Marahil may iba't ibang rason ang bawat isa kung bakit nagagawa nila ito. Ngunit isipin ang mga buhay na iyong sisirain kung ito'y iyong ginawa. 

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-