Ang pagkakaroon ng oras o quality time sa iyong kasintahan/partner ay mahalaga upang mapapatatag ang inyong relasyon. Ngunit minsan, may mga bagay talaga na hindi sapat para sa isang tao kaya naman nawawalan sila ng interest at nahahanap nila iyon sa iba.
Kung nararamdaman mo na lumalayo ang loob ng iyong karelasyon, maaaring mayroong mga bagay-bagay na nakakapagpawala ng kanyang interest sayo. Narito ang mga senyales na nawalan na ng interest sa iyo ang iyong kasintahan/partner/asawa.
1. Hindi ka na niya mabigyan ng oras
Sabi nga nila, kung mahal mo talaga ang isang tao, nasa malayo man siya o malapit ay maghahanap ka nang paraan at oras para makasama o makausap lang siya. Kung nararamdaman mo na palagi na lamang siyang busy sa ibang bagay, oras na para kausapin mo siya ng masinsinan.
2. Hindi ka na kasama sa kanyang mga priorities
Nararamdaman mo ba na parang wala na siyang pake sayo? Maaaring nawalan na nga siya ng interest sa inyong relasyon. Kailangan sa isang relasyon ang pagkakaroon ng concern sa bawat isa kaakibat ng pagmamahal at tiwala.
3. Nagiging makasarili
Sa isang healthy relationship, dapat ay matuto kang umunawa. Kung nagiging makasarili ang inyong karelasyon, maaaring hindi ka talaga niya mahal.
4. Wala na siyang pinapakitang suporta
Maaaring nawalan na ng interest sa iyo ang iyong karelasyon kung hindi ka na sinusuportahan sa iyong mga pangarap at desisyon. Ang dalawang taong magkarelasyon ay dapat nagtutulungan upang umangat.
5. Hindi ka na pinapahalagahan
Mas binibigyan niya ng oras ang ibang bagay kaysa sa ikakabuti ng inyong relasyon. Halimbawa, mas pinili niyang sumama sa kanyang mga kaibigan kaysa icelebrate ang inyong anniversary.
6. Nagsimula na silang lokohin ka
Ang pangangaliwa ay isang malinaw na senyales na nawalan na ng interest sayo ang iyong karelasyon. Dahil unang-una, hindi niya gagawin iyon sayo kung talagang mahal at nirerespeto ka niya.
7. Wala nang pinapakitang effort
Kung wala na siyang pinapakitang effort sa inyong relasyon, maaaring dahil ayaw na niyang ipagpatuloy pa ang inyong relasyon.
Comments
Post a Comment