Ang asukal o sugar sa ating katawan ay nag sisilbing bilang enerhiya para tayo ay makakilos ng mabuti. Ito ang tumutulong satin para maging malakas at aktibo. Ngunit ang blood sugar ay nakadepende kung ano-ano ang iyong kinakain. Sa ilang mga pagkakataon ay ang mga cells ay humihinto sa pagkuha ng asukal at ito ang nagiging sanhi ng mataas na blood sugar. Ito ang resulta na pagsisimula ng pagkasira ng blood vessels, organs, at nerves. Ang ganitong pagkakataon ay magiging mapanganib sa kalusugan na magreresulta sa Type II Diabetes.
Napaka-importante na sinusuri ng mabuti ang blood sugar. Gayunpaman naitatala na mas mahigit pa sa 29 milyong tao ang mayroong diabetes sa United States, pero ang ilan ay hindi pa alam na mayroon silang ganitong klaseng sakit. Pero ang magandang balita ay kapag agad naagapan ang karamdaman na ito, possible na mabawasan ang komplikasyon at problema nito sa kalusugan.
Narito ang mga senyales na apektado na ang iyong katawan dahil sa mataas na blood sugar level:
1. Kung kayo ay madalas na umiinom at umiihi ng marami.
2. Kung ikaw ay laging pagod ito ay maaaring senyales na may mataas na blood sugar level ka. Karaniwan na kulang sa enerhiya ang iyong katawan kaya madalas ay sobrang pagod ang iyong pakiramdam.
3. Kung lumalabo na ang iyong paningin. Ang pagkakaroon ng diabetes ay magreresulta sa paglabo ng mga mata at mapipinsala ang kalusugan ng iyong mga mata. Isa na itong senyales na may mataas ka ng asukal sa iyong dugo.
4. Kung nakakaramdam ka ng sakit sa iyong binti. Ang mga taong may sakit na diabetes ay nakararamdam ng panghihina sa kanilang mga paa at kamay.
5. Kung madalas maimpeksyon ang inyong paa at hindi ito agad gumagaling sa loob ng ilang araw, isa itong senyales na baka ikaw ay may pre-diabetes.
6. Ang High blood sugar ay nakakaapekto sa mga kidneys at sila ang nagsisilbing tagalinis ng katawan at mahihirapan na linisin ito dahil marami ang asukal sa katawan. Kaya kung madalas sumakit ang inyong tagiliran, maging aware kayo at magpatingin sa doktor.
7. Kung nakakaranas kayo ng makati at dry na balat kahit sapat naman ang inyong iniinom na tubig.
Comments
Post a Comment