Ang protein o protina ay isang nutrient na may malaking ginagampanang tungkulin para sa buong katawan. Ito ang bumubo sa ating mga muscles, balat, at hormones.
Ang protina ay makukuha sa mga pagkain na ating kinakain gaya na lamang ng karne, isda, itlog, gatas, at iba pa. Ngunit ang kakulangan sa pagkain ng protina ay maaaring magdulot ng kondisyon na tinatawag na protein deficiency.
Narito ang mga senyales ng protein deficiency na dapat mong malaman upang hindi na lumala ang kondisyong ito:
1. Pagliit ng mga muscles
Ang ating mga muscles ay binubo ng protina. Kung nagkukulangan sa supply ng protina ang iyong katawan, magshi-shrink o liit ang iyong mga muscles at magdudulot ng panghihina o panan4kit nito.
2. Problema sa kuko at balat
Magiging marupok rin ang iyong mga kuko kung ang iyong katawan ay mayroong protein deficiency. Mapapansin rin na magkakaroon ng mga puting marka o tinatawag na 'white bands' ang iyong mga kuko. Inaapektuhan rin nito ang iyong balat na kung saan mahihirapan ang iyong katawan na magregenerate ng mga bagong cells kaya magkakaroon ka ng dry na balat.
3. Pagkakalbo o hair loss
Ang ating buhok ay gawa sa 90% protein at kailangan ito para sa hair growth. Kaya kung nagkukulangan ka sa nutrisyong ito, ang iyong buhok ay maaaring numipis, malagas, at makalbo.
4. Mabilis mabali ang buto o bone fractures
Ang protina ay nakakatulong sa pagpapalakas at pagpapatibay ng mga buto. Kaya kung mayroong kang kakulangan sa protina sa katawan, bababa ang iyong bone mineral density o magiging marupok ito na siyang sanhi ng bone fractures o pagkabali ng buto.
5. Naaantala ang paglaki (sa mga bata)
Kailangan ang protina para sa body growth o para sa paglaki ng mga bata. Kaya kailangan silang kumain ng mga protein-rich foods upang mabilis silang lumaki at maging malusog. Kung ang kanilang katawan ay kulang sa protein, maaaring makaranas sila ng malnutrisyon at maantala ang kanilang paglaki.
6. Pinapababa ang resistensya
Kung hindi nagkakaroon ng sapat na protina ang iyong katawan, baba ang iyong resistensya at mas magiging lapitin ka ng mga s4kit at impeksyon.
7. Problema sa pag-iisip o brain fog
Ito ay ang pagpapakita ng sintomas gaya ng memory problems, kawalan ng konsentrasyon, pagkalito, pagkalimot, at kawalan ng pokus. Kaya importante ang protina dahil sinusuportahan nito ang kalusugan ng ating utak.
Comments
Post a Comment