Ang iron ay isang mineral na napakaimportante sa ating katawan dahil ito ang gumagawa ng hemoglobin, ang protinang matatagpuan sa mga red blood cells na siyang nagdadala ng oxygen sa iyong baga papunta ibang organs ng katawan.
Hindi magtatagal ang iyong katawan kung wala ang nutrisyong ito, kaya naman isa sa mga nutritional problems sa buong mundo ang pagkakaroon ng iron deficiency lalo na sa mga kababaihan. Narito ang mga senyales at sintomas ng iron deficiency na dapat mong ikabahala!
1. Fatigue / Madaling pagkapagod
Ang pagkakaroon ng constant fatigue o ang madaling pagkapagod kahit minimal lang ang iyong ginawang gawain ay isa nang senyales na ang iyong katawan ay nagkukulangan ng iron. Nangyayari ito dahil nagkukulangan ng healthy hemoglobin ang iyong katawan na nagdadala ng oxygen sa iyong buong sistema.
2. Kahirapan sa paghininga
Dahil sa mababang iron level, mas kakaunti rin ang oxygen na umaabot sa iba't ibang parte ng iyong katawan. At kung mababa ang oxygen level ng katawan, magreresulta ito sa kahirapan sa paghinga.
3. Pagkakaroon ng heart palpitations
Sa mga taong mayroong iron deficiency anemia, ang iyong puso ay napipilitang gumana ng doble upang masuplyan lang ng oxygen ang buong katawan. Kaya ang resulta nito ay mas mabilis at mas malakas ang pagtibok nito. Sa mga malalang kaso ng iron deficiency anemia, nagkakaroon sila ng enlarged heart at heart failure.
4. Problema sa balat, hair loss, at abnormalities sa kuko
Ang kakulangan sa iron ay nagreresulta sa madalas na pangangati ng balat at pagiging marupok ng mga kuko. Mapapansin na ang mga kuko ay nagkakaroon ng pahukay na hugis dahil sa kakulangan ng oxygen supply. Mararanasan din ang pagkalagas ng buhok.
5. Pamumutla
Isang malinaw na senyales na kulang ka sa iron kung namumutla ang iyong balat. Dahil ito sa kakulangan ng red blood cells sa dugo. Mapapansin na ang pamumutla ay makikita sa loob ng bibig, mga kuko, at sa gilid ng loob ng mata.
6. Pagkahilo
Ang pagkahilo ay maaaring magresulta dahil sa kakulangan ng supply ng oxygen sa iyong utak. Maaari ka ring makaranas ng mild, moderate, o malalang pananakit ng iyong ulo.
7. Problema sa pandinig
Ang mga taong apektado ng iron deficiency ay nakakaranig ng ringing, buzzing, o hissing sound sa kanilang ulo. Ang kondisyong ito ay tinatawag na tinnitus.
Comments
Post a Comment