
Isang problema ng karamihan ang pagkakaroon ng malaking tiyan dahil maaari itong makabawas sa kanilang self confidence at maging health risk. Ngunit ang paglaki tiyan ay hindi lang dahil sa sobrang taba sa katawan, minsan ito ay dulot rin ng stomach bloating o ang paglobo ng tiyan dahil sa pagtaas ng pressure sa loob.
Paano nga ba makakaiwas sa stomach bloating at paano ma-achieve ang flat belly na iyong ninanais? Narito at ipapaliwanag ang mga bagay na dapat gawin o iwasan upang maiwasan ang kondisyon ito!
1. Magkaroon ng disiplina sa pagkain
Maiiwasan ang bloating kung kumain ka ng dahan dahan at maliliit na bahagi. Sa paraang ito, maiiwasan mo ang di inaasahang paglunok ng sobrang air bubbles na siyang nagdudulot ng pagtaas ng pressure sa iyong tiyan. Ang tawag sa paraang ito ay mindful eating.
2. Umiwas sa mga pagkaing maaaring magdulot ng hangin o gas sa tiyan
Mayroong mga pagkain na mataas sa nutrisyon at fiber ngunit nakakapagdulot ng sobrang hangin sa tiyan. Ilan na lamang sa mga ito ay broccoli, beans, at dairy products tulad ng gatas, cheese, at ice cream.
3. Bawasan ang pagkain ng maasin o maalat na pagkain
Ang mga pagkaing mataas sa sodium o salt content ay nakakapagpabagal sa ating sistema na alisin ang sobrang tubig sa katawan. At ang resulta nito ay ang paglobo ng tiyan. Kaya makakabuti na umiwas sa mga maaalat na pagkain at damihan ang paginom ng tubig upang agad itong mailabas ng katawan.
4. Kumain ng prutas na panlaban sa bloating
Mayroong mga prutas na nakakatulong sa pagiwas ng paglobo ng tiyan. Ilan na lamang sa mga ito ay ang saging na mayaman sa potassium at nakakatulong i-regulate ang salt levels ng katawan upang maiwasan ang stomach bloating. Isa rin ang papaya at pinya na mayroong rich enzymes na tumutulong sa pagbreak down ng proteins sa iyong sistema.
5. Uminom ng tsaa gawa sa peppermint o chamomile
Ang chamomile at peppermint tea ay nakakatulong na irelax at pakalmahin ang iyong tiyan pagkatapos mong kumain. Nakakatulong din ito sa maayos na pagdigest ng pagkain.
Kung gusto mong lumiit ang iyong tiyan, umiwas na sa paginom ng mga may kulay ng inumin gaya ng softdrinks, juice, at kung anu-ano pang matatamis na inumin na mayroong artificual sweeteners. Dahil ang mga ito ang dahilan kung bakit madaling lumobo ang tiyan.
7. Kumain ng probiotics
Ang pagkain ng yogurt na mayroong probiotics ay naglalaman ng mga good bacteria na nakakatulong sa tamang digestion at pangiwas sa stomach bloating.
8. Belly massage
Nakakatulong ang pagmasage ng iyong tiyan upang mabawasan ang pressure o hangin sa loob. Maaari ring magpahid ng mga essential oils upang marelax ang pakiramdam.
Thank yoo
ReplyDelete