
Ang tubig ay napakaimportante sa buhay at katawan ng tao. Walang sinuman ang makakatagal na mabuhay kung hindi ito uminom ng tubig. Dahil ang ating katawan ay nabubuo ng 50-60% water, at nawawala ang tubig na ito sa tuwing tayo ay umiihi, nagdudumi at pinagpapawisan.
Kaya importanteng uminom ng sapat na tubig araw araw upang mapalitan ang mga nawalang tubig na ito. Dahil kung hindi, mauuwi sa dehydration ang iyong katawan. Kaya narito ang mga senyales na sinasabi ang iyong katawan ay nagkukulangan na sa tubig.
1. Panunuyo ng bibig at dila
Ang paginom ng tubig ay nakakatulong na i-lubricate muli ang iyong bibig, dila, at lalamunan at panatilihin iyong moist. Kaya kung nararamdaman na parang malagkit na ang inyong laway, tiyak ay kailangan niyo ng uminom ng tubig.
2. Pagtuyo o pag-dry ng balat
Ang ating balat ay ang pinakamalaking organ sa ating katawan at kailangan nitong maging hydrated sa lahat ng oras dahil kung hindi magdudulot ito ng panunuyo at paglitaw ng mga pangangati.
3. Matinding pagkauhaw
Kung ikaw ay nauuhaw, iwasan ang paginom ng kung anong may kulay na inumin sa halip ay uminom na lamang ng tubig. Dahil ang mga inumin gaya ng juices, softdrinks, at al^k ay mas lalo lang nakakapagpatuyo ng lalamunan.
4. Pagtuyo ng mata
Naaapektuhan rin ang ating mata kung kulang sa tubig ang ating katawan. Maaaring mauwi ito sa panunuyo ng luha at iba't ibang karamdaman sa mata.
5. Madalas na pags4kit ng mga joints
Ang ating mga cartilage at spinal discs ay gawa sa 80% water. Kung kulang ka sa tubig, maggigitgitan ang ating mga joints at hindi ito makakaabsorb ng shock sa mga biglaang paggalaw kaya naman mas madalas na sas4kit ang mga ito.
6. Lalo kang magkakaroon ng sak!t
Nakakatulong ang paginom ng tubig upang mailabas ng katawan ang mga toxins nito. Kung kulang ka sa tubig, mahihirapang ifilter ng iyong mga organs ang mga duming ito kaya naman mas magiging sak!tin ka.
7. Madali kang mapagod
Ang kakulangan ng tubig sa katawan ay pwede ring magdulot ng kakulangan sa oxygen. Dahil pati ang iyong mga blood vessels ay madedehydrate at hindi makakapagsuplay ng mabuti ng dugo sa katawan.
8. Makakaranas ka ng problema sa pagtunaw o digestive problems
Kailangan ang tubig upang gumana ng maaayos ang ating digestive system at matunaw nito ng mabuti ang mga pagkain. Sa tulong ng paginom ng sapat na tubig, mababawasan ang stomach acid na pangunahing nagdudulot ng heartburn at indigestion.
Comments
Post a Comment