Ang ating Atay o liver ang responsable sa ilang mahahalaga at komplikadong paggana ng ating katawan. Nag-aalis ito ng lason o toxins sa ating katawan, nagkokontrol din sa kolesterol, naglalabas ng likido na tumutulong sa pantunaw ng pagkain at panlaban rin ito sa impeksiyon at sa kit.
Ito rin ay pangalawa sa pinakamalaking organ sa ating katawan at isa ito sa mga naaabusong organ na maaaring magdulot ng pagkasira o pagkakaroon ng sa kit sa atay.
Maaaring makaramdam ng panghihina kung nasisira o sira na ito kaya ingatan ang iyong atay para sa malusog na pangangatawan at malayo sa sa kit.
Ang pag-ihi ng kulay tsaa ay isa sa mga pangunahing senyales ng pagkakaroon ng problema sa atay. Kung kayo ay mayroon ng ganitong sitwasyon ay kinakailangan na kumonsulta na sa mga Doctor para sa ikabubuti ng kalusugan.
Ang paninilaw ng balat o kutis at paninilaw ng puting mata ay isa sa mga pangunahing sintomas o senyales ng pagkakaroon ng problema sa atay. Tinatawag rin itong Jaundice. Ang paninilaw ng balat at mata ay dulot ng pagtaas ng lebel ng bilirubin sa ating dugo na kadalasan na nagmumula sa atay na dumadanas ng sakit.
3. Pananakit ng tiyan
Ang taong mayroong sak!t sa atay ay makararamdam ng pananakit ng tiyan. Ang mga dahilan na posibleng pagsak!t ng tiyan ay ang pamamaga ng atay, pagtubo ng bukol sa atay o cy st, maaari rin na ang dahilan ay ang pagkasira ng mismong laman ng atay.
4. Pagmamanas at Pagpapasa ng balat
Ang pagmamanas ng mga binti at paa ay karaniwang nangyayari sa mga taong may sak!t sa atay. Dulot ito ng naiipong mga likido sa labas ng mga cell dahil ito sa kondisyon ng fibrosis sa ating atay. Karaniwan din ang pagkakaroon ng madaling pagkakapasa o pagpapasa sa balat ang taong may kondisyon sa atay dahil din ito sa dulot ng fibrosis sa liver.
5. Pagkaramdam ng madaling pagkapagod
Maaaring maging senyales rin ng pagkakaroon ng kondisyon sa atay ang pagkaramdam ng madaling pagkapagod. Maaaring maging dahilan nito ang paghina ng atay at pagpalya nito sa pag-aalis ng mga nakalalasong substansiya sa dugo kaya nagdudulot ng mabilis na pagkapagod.
6. Maputlang pagdumi o may kasamang dug0
Ang taong may kondisyon sa atay ay maaaring magkaroon ng maputlang kulay ng pagdumi o maaari rin na may kasama itong dug0. Ang pagkakaroon ng ganitong sitwasyon ay kinakailangan na magpakonsulta sa doctor para sa ikakaganda ng kalusugan at agarang paggamot.
Comments
Post a Comment