Isa ka ba sa mga taong gustong maging malusog ang katawan? Lahat naman siguro ay gustong magkaroon nito pero hindi sapat ang pagkain lang ng mga pagkaing nakahain sa iyong harapan dahil kailangan mo rin ng Biotin o Vitamin B7 na magdadala ng nutrients sa iyong buong kalusugan.
Pero ano nga ba ang Biotin?
Ito ay minsan ring tawaging vitamin H na nakatutulong sa proseso ng pagtunaw at kinoconvert ang pagkain sa fuel para magkaroon tayo ng sapat na enerhiya. Pwede rin nitong sirain ang mga fatty acids at amino acids upang mapabuti ang metabolism, pati na rin ang pagpromote sa mga health factors tulad ng DNA Stability, high blood sugar levels at iba pa.
Hindi tulad ng ibang bitamina, ang biotin ay madaling kumalat sa katawan at napapanatili nito ang mataas mong lebel.
Narito ang ilang halimbawa ng mga benepisyo ng Biotin:
1. Pampaganda ng kondisyon ng balat
Kapag nagkulang ka sa biotin, maaring magkaroon ka ng seborrheic dermatitis o ang pagkakaroon ng “malakaliskis” na red rashes at ang paginom ng biotin ay makakatulong sa pagkawala ng ganitong kondisyon at makapagbibigay sayo ng maganda at malusog na kutis.
2. Pangiwas sa tiyansang magkaroon ng diabetes
Alam nating lahat na ang dahilan ng Diabetes ay hindi kaya ng katawan na gumagawa ng sapat na insulin at ang biotin ang makakagawa ng paraan para ma-improve nito ang proseso. Mababa ang iyong biotin kung madalas na mataas ang iyong blood sugar. Kaya mabuti ang paginom nito kapag mayroon kang mataas na sugar levels at diabetes.
Ilang mga researchers ang nakapansin na kapag mababa ang ating biotin levels, madali na rin tayong malagasan ng buhok. Kaya naman kapag ikaw ay umiinom ng biotin at sinamahan ng zinc, mas magiging strong ang iyong hair at maiiwasan na ang hair loss
4. Strengthen Fingernails
Ang paginom ng biotin ay makakatulong na tibayan ang iyong kuko ayon sa ilang pag-aaral. Tulad ng buhok, kapag mababa lang ang level ng ating biotin simbolo ito ng mahina at madalas na pagbibitak ng iyong kuko.
5. Nagpapanatili ng magandang kondisyon ng utak
Kapag may kilala kang may neurological problem tulad ng seizures, less muscle coordination, depression, lethargy, learning disabilities, at hallucinations maaaring mababa ang biotin levels niya. Lumalabas sa isang pagsusuri na nakakatulong ang mataas na biotin levelspara magkaroon ng maayos na kalusugan ang ating utak.
*Bago uminom ng biotin supplements, mabuting tanungin muna ang iyong doctor.*
6. Nagpapatibay ng muscles at tissues sa katawan
Maliban sa benepisyo nito sa brain health, maaari rin itong tumulong sa pagbuild up ng muscle mass. Ang bitaminang ito ay nakakapagayos, nakakapagpalaki at nagme-maintain ng muscle tissues. Kailangan natin ito lalong lalo na sa mga atleta dahil nababawasan nito ang pamamaga sa bandang joints o ano pa mang pagkasira ng iyong muscles.
PAALALA: Pero tulad ng kasabihang ang sobra ay masama, kapag ikaw ay sumobra sa paginom ng biotin maaaring maging kabaliktaran ang mangyayari. Madadagdagan ang panganib sa iyong genetics at maaari ring makatrigger ng k^nser. Kaya siguruhing uminom nito ng sakto lang at ikinunsulta muna sa iyong doktor.
Comments
Post a Comment