Karamihan sa atin mapa-babae man o lalaki ay pinoproblema ang pagkakaroong nga mga malalaking pores sa ating mukha partikular sa ilong o pisngi. Upang matakpan ito at magmukhang flawless ang balat, napakarami ring produkto ang ipinapahid at inilalagay gaya na lamang ng foundation, concealer, powder, scrubs, facial masks, at kung ano ano pang make-up.
Ang ating balat ay mayroong mga butas-butas o tinatawag na pores na naglalabas ng oil-like substance na tinatawag na sebum. Ito ang nagpapanatiling moisturized at hindi dry ang ating balat. Ngunit kung napapasobra ang produksyon nito, at hindi nagkakaroon ng tamang facial care, naiipon ang mga dumi sa pores kaya ito lumalaki at tinutubuan ng tighyawat.
Mga Rason Kung Bakit Nagkakaroon Ka Ng Malaking Pores:
1. Sobrang produksyon ng sebum
Nagiging malangis ang iyong mukha dahil sa sobrang produksyon ng iyong mga oil glands. Maaaring dahil ito sa stress, unhealthy foods, pagkaexpose sa araw, o paggamit ng mga beauty products na hindi naaayon sa iyong skin type.
2. Pagkabawas ng elasticity ng balat
Habang tumatanda kumokonti ang collagen at nababawasan ang elasticity ng balat na dahilan ng paglaki ng mga pores. Ang collagen ay kailangan upang maging firm ang balat.
3. Namamana o genetic
Kung nasa inyong lahi ang pagkakaroon ng malalaking pores, hindi mo na ito mababago ngunit maaari mo pa rin namang mapanatiling healthy ang iyong balat sa pagkakaroon ng tamang skin care routine.
Narito ang mga dapat mong gawin upang lumiit ang iyong mga pores:
1. Magkaroon ng tamang facial skin care routine
Kung ikaw ay may malaki at open pores, kailangang panatilihing malinis ang iyong mukha upang maiwasan ang pimple breakout. Bago matulog sa gabi, siguraduhing naghugas ka ng iyong mukha gamit ang mild soap o facial wash.
2. Umiwas sa mga facial scrubs
Ang magagaspang na texture ng mga facial scrubs ay maaari lang makadamage sa iyong balat at lalong makapagpalaki ng iyong mga pores. Sa halip, kung gustong iexfoliate ang balat gumamit na lamang ng mga facial peels o masks.
3. Mag-apply ng egg white mask
Nakakatulong ang paglalagay ng egg white mask sa iyong mukha upang lumiit ang iyong mga pores dahil ito ay may properties na mabisang pang-tighten ng balat. Batihin ang puti ng itlog at magdagdag ng 2 kutsarang lemon juice. Iapply ito sa iyong mukha at iwanan ng ilang minuto sa banlawan.
4. Magpahid ng ice cubes o yelo
Nakakatulong raw ang malamig na temperatura ng yelo upang magsara ang mga open pores. Kumuha ng isang piraso ng ice cube at ipahid-pahid ito sa malinis na mukha sa umaga at sa gabi habang minamasahe ng dahan dahan ang iyong mukha.
5. Magpahid ng plain yogurt
Ang plain yogurt ay mayroong lactic acid na nakakatulong alisin ang sobrang langis at dumi sa iyong mukha at nakakapagpa-minimize ng appearance ng open pores. Mag-apply lamang ng manipis na layer ng plain yogurt sa mukha at hayaan sa loob ng 10 minuto saka hugasan.
Comments
Post a Comment