Nagtataka ba kayo kung bakit ang mga babaeng Japanese ay mayroong mala-porcelanang balat at balingkinitan na katawan. Iyan ay dahil sa kanilang pang araw-araw na ritwal na pag-inom ng tubig pagkagising sa umaga nang wala pang laman ang tiyan.
Napatunayan sa mga pag-aaral na ang gawaing ito ay nagdudulot ng positibong epekto sa ating katawan. At kung sinubukang gawin sa loob ng 1 buwan ay makikita ang mga magandang resulta nito sa ating kalusugan. Narito at alamin ang mga ito!
1. Mas magiging refreshed ang iyong katawan
Kung sinimulan mo ang ritwal na ito, mas mararamdaman na mas magiging magaan at refreshed ang iyong pakiramdam. At mabisa rin ito na pang-detoxify upang maalis ang mga masasamang toxins sa katawan.
2. Mabisang paraan upang mabawasan ang timbang
Ang paginom ng maligamgam na tubig sa umaga nang wala pang laman ang tiyan ay nakakatulong upang hindi ka mapakain ng marami. At tumutulong rin sa maayos na pagtunaw ng pagkain.
3. Gaganda ang iyong metabolismo
Kung gusto mong magpapayat o magbawas ng timbang, kailangang pabilisin ang iyong metabolismo upang mabilis rin na masunog ang mga taba sa katawan. Sa pamamagitan ng ritwal na ito, hindi mo mararamdaman na palagi kang gutom at mas mataas ang iyong energy sa buong araw.
4. Nakakatulong pang-iwas sa heartburn
Ang hindi maayos na pagtunaw ng pagkain ay maaaring magdulot ng acid reflux at heartburn. Upang maiwasan ang mga karamdamang ito, subukang uminom muna ng maligamgam na tubig bago kumain upang mapakalma ang iyong tiyan.
5. Magiimprove ang iyong kutis at balat
Sa pagpapanatiling hydrated ang iyong katawan, mag-iimprove din ang iyong balat. Mabisa ang water therapy upang labanan ang maagang senyales ng pagtanda tulad ng pagkakaroon ng wrinkles, dry, at saggy skin. Mapapansin na kapag ginawa ito sa loob ng isang buwan mas magiging healthy at glowing ang iyong balat.
6. Bababa ang tiyansang magkaroon ng urinary tract infections
Kung ikaw ay mayroon problema sa pag-ihi, ang water treatment ay isang mabisang solusyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng urinary tract infections.
7. Mag-iimprove ang iyong immune system
Dahil ang tubig ay nakakatulong na linisin ang iyong katawan 'from the inside.' Mas bababa ang tiyansa mong magkaroon ng mga s4kit at mas lalakas ang iyong resistensya laban sa mga impeksyon.
Comments
Post a Comment