
Bukod pa sa gasgas na tanong na "what is love?" ano nga ba ang totoong nagagawa ng pagmamahal sa ating katawan? Ang love ay binubuo ng iba't ibang klaseng emosyon at kahulugan. Maaaring ito ay nagdudulot ng excitement, affection, happiness, at kung ano pang positibong pakiramdam lalo na't kung nasusuklian din ito ng pagmamahal.
Sa kabuuan, ito ay nabubuo ng feelings of strong attraction at emotional attachment. Tatalakayin dito sa artikulong ito kung ano nga ba ang nagagawa ng LOVE sa ating katawan!
1. Isa itong natural pain reliever
Isang chemical hormone na tinatawag na oyxtocin ang inilalabas ng iyong utak kapag ikaw ay in love o nakakaramdam ng pagmamahal. Ang hormone na ito ay nagpapakalma ng katawan at pinapataas ang endurance laban sa sak!t.
2. Pinangalagaan ang puso
Ang pagpapakita ng expressions ng pagmamahal ay nakakatulong sa pagpapababa ng heart rate at nakakapagpabawas ng tiyansa sa mga problema sa puso. Dahil ang oxytocin ay kilala rin bilang 'love hormone,' tumutulong rin itong magpababa ng blood pressure, stress, anxiety, at nakakapagpataas ng self esteem.
3. Panlaban sa mga iba't ibang karamdaman
Ang pagpapakita ng affection o love gestures gaya ng paghalik, pagyakap, at pakikipagt^lik ay nakakapagpataas ng produksyon ng endorphins na nagpapatatag sa ating immune system.
4. Panlaban sa insomnia
Ang hormones na oxytocin at endorphins ay pumipigil sa ating katawan na maranasan ang stress kaya sa kalaunan ay nakakapagbigay ito ng pahinga sa katawan.
5. Pinapatibay ang pagsasama
Ang pagmamahal ay gumagawa ng koneksyon sa bawat tao. At kung patuloy itong nararamdaman ay nakakatulong itong patibayin ang pagsasama.
6. Isa itong therapy
May mga ibang tao na sumasailalim pa ng mga therapy sessions dahil kailangan nilang mayroong makinig at umintindi sa kanila. Samantalang ang pagmamahal ay isa ng therapy dahil ang taong nagmamahal sayo ay nagpapakita ng suporta at affection maging sa pisikal, mental o sikolohikal na aspeto.
Comments
Post a Comment