Maraming tayong mga kaugalian na madalas nating gawin na akala natin ay nakakatulong sa pagbawas ng timbang. Alam niyo ba kaya hindi tayo nababawasan ng timbang ay dahil paulit ulit nating ginagawa ang mga bagay na akala natin ay nakakapagpapayat?
Narito ang ilang bagay na madalas mong gawin na hindi naman nakakatulong sa iyong pagbawas ng timbang:
1. Ang mabilisang pag-kain ng iyong meal
Ayon sa isang pag-aaral, ang mga taong mabilis kumain ay mas mainam na maging obese kumpara sa mga taong mabagal kumain. Ang katawan ay nakatuon ng 20 minutes para makakuha ng mensahe ang utak galing sa tiyan na busog na ito. Dahil ang pagkain ng mabilisan ay nagdudulot ng over-eating na mas lalong nakakadagdag ng timbang. Dapat na bagalan ang iyong pag-kain at nguyain ng mabuti ang pagkain para mabilis na mabusog.
2. Hindi kontrolado ang mga kinakain
Alam niyo ba na mas lalong nakakadagdag ng timbang ang mga taong madalas kumain sa fastfood at ang mga taong madalas magkaroon ng food cravings dahil hindi nila nacocontrol ang kanilang pagkain. Para malampasan ang ganitong pagkakataon, dapat magluto ng mga putahe na makakabuti sa kalusugan at konti ang kinakain na hindi masusustansiyang pagkain. Kung kayo ay nagke-crave ng matamis na pagkain, mas mabuti na kumain kayo ng prutas upang ma-satisfy ang iyong cravings.
3. Mainit ang tinitirahan
Ang mga bahay na mainit ay nagpapahayag na mas madaling maging obese ang mga nakatira dito kesa sa mga taong nakatira sa medyo malamig na lugar. Mas mainam na maglagay ng cooler para sa metabolic rate ng katawan at mapanatili ang normal nitong temperature.
4. Hindi ka tumatanggi sa mga alok
Inuuna mo ba ang kagustuhan ng iba bago ang sarili mo? Dahil ang kaugaliang ito ay maaaring makapagpadami ng iyong kinakain. Ang una mo dapat na ginagawa ay pahalagahan mo ang iyong pinipiling pagkain at binibigyang pansin kung ano ang kinakain.
5. Kakulangan sa Tulog
Ang kakulangan sa pag tulog ay maaaring makapagpataas ng timbang dahil mas ramdam ang pagod kaya hindi ito nakakapagehersisyo. Ang tamang tulog ay nasa 7 hanggangg 9 na oras at hindi kayo dapat humahawak ng mga gadgets isang oras bago matulog.
Comments
Post a Comment