Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kagustuhan pagdating sa katangian ng isang taong pinili nating mahalin. Hindi man lahat ng katangian na ating gusto ay nasa kanya, mayroon pa ring mga bagay na nangingibabaw kung bakit siya ang taong pinili nating makasama.
Alin nga ba ang mas pipiliin mo, ugali o itsura? Narito at alamin ninyo ang mga katangian ng isang lalaki na kinahuhumalingan ng mga babae!
1. Mayroong good sense of humor
Gustong gusto ng mga babae ang mga lalaking kaya silang pasayahin at patawanin. Mas madaling nahuhulog ang kanilang loob sa mga lalaking may good sense of humor pero alam nila ang oras kung kailangan dapat magseseryoso.
2. Mayroong magandang karakter
Mapa babae man o lalaki ay ninanais ng bawat isa na ang kanilang pipiliing partner ay mayroong magandang karakter. Hindi naman kailangan maging perperkto at walang kapintasan. Siya ang tipo ng tao na mabait, alam ang tama sa mali at may tamang paninindigan.
3. May respeto
Bilang isang tao, gusto natin na nirerespeto tayo. Sa isang babae, ang respeto ng isang lalaki sa kanya ay napakahalaga dahil dito masusukat kung gaano ka-sincere at tunay ang kanyang pagmamahal. Ito yung mga lalaking hindi ka pagbubuhatan ng kamay, hindi ka sasaktan ng pisikal, mumurahin at kung ano-ano pa. Sa madaling salita, alam niya kung paano ka gagalangin bilang isang babae.
4. Tapat o Faithful
Gusto ng mga babae na secured sila sa kanilang taong piniling mahalin. Ang pagiging tapat, faithful, at stick-to-one na mga lalaki ang kinahuhumalingan ng mga babae dahil sino ba naman ang may gustong kahati sa kanilang minamahal. Ang isang lalaking tapat ay marunong rin umiwas sa mga tukso gaya ng pangangaliwa o pagiging two-timer.
5. Responsable at Maaasahan
Hindi naman dapat na napakayaman mo bago ka magustuhan ng babaeng nililigawan mo, ang kailangan lang ay maging responsable at maaasahan ka niya sa oras na kailangan ka niya. At hindi ka magpapabaya sa iyong sarili, sa kanya, at sa inyong relasyon,
6. Marunong Umintindi at Makinig
Ito yung mga taong hindi sarado ang kanilang isip at marunong umintindi ng kanilang kapwa. Sila ung mga lalaking susuportahan ka at marunong makinig sa mga ayaw at gusto mo, hindi yung puro kagustuhan na lang nila ang nasusunod. Sa madaling salita, hindi makitid ang utak.
7. May takot sa Diyos
Kapag ang isang tao ay may takot sa Diyos, paniguradong alam niya ang tama at mali.
Comments
Post a Comment