Ang pagiging makakalimutin ay isang normal na parte ng ating pagtanda. Ngunit kung madalas na nangyayari ito sayo ay dapat kang mabahala dahil maaari itong mauwi sa dement!a at iba pang kondisyon sa utak.
Lahat tayo ay may kanya kanyang dahilan kung bakit tayo ay nakakalimot, at may kanya-kanya rin tayong paraan upang maalala natin ang mga bagay-bagay. Narito ang mga rason na nagdudulot sa atin ng pagkalimot. Alamin upang malaman kung anong strategies ang inyong pwedeng gawin upang hindi na maging makakalimutin!
1. Kakulangan sa tulog o sleep deprivation
Ang hindi pagkakaroon ng sapat na tulog ay nakakaantala sa pag-gana ng utak upang maalala ang isang memorya. Habang ikaw ay nagpapahinga, inii-store ng iyong utak ang mga memoryang ito. Kaya kung kulang ka sa tulog, maaaring maging balisa ang iyong utak at hindi ka makapag-isip ng maayos.
2. Stress
Kung ikaw ay stressed, mas madali mong makalimutan ang mga bagay bagay dahil humihina ang parte ng iyong utak na responsable sa pagtago ng mga memorya. Ang stress ay nagdudulot din ng distraction sa iyong utak kaya nawawalan ka ng pokus at konsentrasyon.
3. Paninig^rilyo
Sa bawat paghithit mo ng sig^rilyo, numinipis ang iyong utak na siyang nagdudulot ng madalas na pagkalimot. Ang mga kemika na matatagpuan sa sig^rilyo ay nakakaapekto sa normal na function ng utak at tumataas pa ang tiyansa mong magkaroon ng dement!a.
4. Dement!a
Ang dement!a ay grupo ng mga sintomas na nagpapakita ng pagbaba ng iyong memorya. Ito ay nakakaapekto sa kakayahan ng taong makapag-isip ng tama at magawa ang kanyang pang araw-araw na tungkulin. Ang kondisyong ito ay kadalasang nakakaapekto sa mga matatanda.
5. Sobrang pag-inom ng al^k
Ang mga taong mahilig uminom ng al^k ay naeexpose ang kanilang brain cells sa oxidative stress na nakakapagpataas sa kanilang tiyansa na magkaroon ng mental disease. Pinapahina ng al^k ang parte ng utak na tinatawag na hippocampus, na responsable sa paggawa ng mga bagong memorya.
6. Kakulangan sa Vitamin B12
Ang vitamin B12 ay kailangan ng iyong red blood cells. At kung nagkukulangan ka nito sa katawan, maaari kang magdevelop ng neurologic at psych!atric problems. Nagkakaroon ka rin ng memory loss, nagiging iritable, at maaaring mauwi sa depresyon.
7. Pagtanda
Habang ikaw ay tumatanda, ang function ng iyong utak ay nagde-decline o bumababa. Ito ay tinatawag na age-associated memory impairment na nakakaapekto sa 40% ng mga matatanda na nasa edad 65 years old pataas.
Comments
Post a Comment