Marami nang nakakapagsabi na mayroong mga mapanganib na chemicals sa mga ordinaryong produkto na ating madalas na ginagamit kaya kailangan mo muna busisihin ang mga produktong ito upang makasigurado na ito ay 'safe'.
Gaano nga ba dapat mangamba sa mga products na ito? Narito ang mga halimbawa:
1. Take Out Food Containers o Styro
Ano nga ba ang nilalaman na chemical ng mga take out containers na ito? Mayroon silang Polystyrene (Styrofoam) na hindi maganda para sa ating kalusugan. Kung hindi mo masyadong napapansin, may mga number sa ilalim o iba pang parte ng containers kaya naman kapag nakita mo ang number six ay dapat iwasan na ito dahil mayroon itong nakahalong kemikal na mula sa mga groundwater ng landfills.
2. Beauty Products
Laging sinasabi na mag-ingat tayo sa mga beauty products tulad ng mga cosmetics, shampoo, lotion at sunscreens dahil ilan sa mga ito ay naglalaman ng mga preservatives na sinasabing mapanganib dahil ito ay may side effect na nakakadagdag ng panganib sa pagkakaroon ng breast c*nc3r. Ang dapat gawin para maiwasan ang panganib ay tignan ng mabuti ang mga labels ng produkto na iyong binibili at siguraduhing wala itong Parabens (isopropylparaben, phenylparaben, and benzylparaben).
3. Plastic Water Bottles na Nirerefill
Safe naman ang mga plastic water bottles na pinagiinuman pero ito ay para sa isang gamitan lamang at hindi na dapat pang ulitin pa dahil maaari itong magkaroon ng bacteria mula sa unang paggamit pa lamang. Ano nga ba ang dapat gawin para hindi makasama ito sa kalusugan? I-recycle na lamang ito tulad ng paggamit nito bilang palamuti sa bahay.
4. Laruan
Mapanganib sa mga bata ang ilang mga laruan dahil naglalaman ito ng mga toxic na chemicals na pwede nilang ilagay sa kanilang bibig o makain habang sila ay naglalaro. Ang mga kemikals na ito ay maaaring makaapekto sa kanilang paglaki at pagdevelop. Kaya bago bumili ng mga products tignan ng mabuti kung safe ba talaga ang mga ito o kaya bantayan ang mga bata kapag naglalaro dahil baka isubo nila ang kanilang mga laruan.
5. Cheesy snacks
Ito ay naglalaman ng Tartrazine na sinasabing nagsasanhi ng hyperactivity sa mga bata kahit wala naman silang ADHD. Bago bumili ng mga kinakain tandaan na hindi lahat ay masustansya kaya tignan muna ang mga food labels o ingredients kung wala itong food coloring.
Sa lahat ng bagay na ginagamit o kinakain siguraduhin wala itong masyadong kemikal dahil maaari nitong maapektuhan ang ating kalusugan.
Comments
Post a Comment