Ang mas kilala na tinatawag na “cupping therapy” ay kabilang sa alternatibong pangagamot. Nag simula lamang ito base sa isang paniniwala na nakasanayan na ng marami. Sinasabi na ang ventosa ay nakakagamot o nakakapap-paginhawa sa mga sintomas ng mga tao na may karamdaman. Gaya na lamang ng sakit sa ulo, pagod, sakit ng kasu-kasuan, at ang pananakit ng likod. Gumagamit sila ng baso para lumabas ang lamig sa katawan.
Sumang-ayon naman ang mga tao na ito ay nakakapagbawas ng pananakit ng katawan at nakakapag-relax pa sila. Nakakatulong ito sa pag agos ng dugo at ang ventosa ay nagiging kilala na.
![]() |
Ito ang limang napatunayan na benepisyo ng ventosa:
1. Nababawasan ang pananakit ng katawan
Nakakaranas ang tao ng pananakit ng katawan kapag hindi masustansya ang kinakain at dulot na rin ng pagtrabaho maghapon. Maraming sakit ang mahirap kilalanin kahit sa modernong pagagamot ngayon. Ang ventosa ay nakakatulong sa pagbawas ng sakit ng katawan mula sa pagod at karamdaman dahil ito ay tumutulong sa maayos na pagdaloy ng dugo sa katawan.
2. Nakakagamot ng pananakit ng ulo
Ang ventosa ay epektibo sa pagpapagaling ng sakit sa ulo. Noong sinaunang panahon na akala nila ang pananakit ng ulo ay kadahilanan ng masamang dugo kaya ginagamit nila ang paraan ng ventosa para mawala ang pananakit.
3. Nakakatulong sa pagdaloy ng dugo
Ang ganitong paraan ng pagagamot ay nakakatulong sa circulatory system ng katawan. Natutulungan nitong normal ang daloy ng dugo sa pagpapalakas ng mga ugat sa katawan. Kapag maayos ang daloy ng dugo sa katawan magkakaroon ito ng mabuting kaligtasan mula sa mga karamdaman, ang ventosa ay maraming benepisyo. Gaya na lamang ng pagtanggal ng mga tubig sa katawan na nagiging sanhi ng pananakit ng katawan.
4. Natural na pagagamot sa rayuma
Scientifically proven na ang ventosa ay naural na gamot para sa may mga rayuma. Imbes na uminom ng mga gamot ay maaari na ring magpagamot sa ganitong pamamaran. Dahil nakakatulong ito sa daloy ng dugo, nakukuha ng katawan ang mga sustansiya, bitamina, hormones at oxygen na nakakapagpabuti sa karamdaman ng katawan.
5. Tumutulong para maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa atay
Nilalabas nito ang dumi na matatagpuan sa dugo. Dahil dito, dumadaloy ng mabuti ang dugo sa atay at nakakatulong para bumuti ang gamit ng nito. Sa ventosa, ang atay ay makakatangal ng dumi sa dugo at pinapanatili ang temperature ng katawan. Kapag maayos ang gamit ng atay sa katawan ang ibig sabihin lamang nito ay malayo kang dapuan ng sakit.
Comments
Post a Comment